^

Pang Movies

Hindi kinaya sa piling ng ama: Anak ni AiAi pinatulog sa garahe ni Miguel Vera, tinitipid at nagagalit pag nagsa-shopping

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ayaw nang palakihin pa ni AiAi de las Alas ang problemang nangyari sa bunsong anak na si Sophia at sa tatay nitong si Miguel Vera nang tumira sandali ang dalaga pero agad pinabalik sa bansa ng ina.

Kung kasundo ni Miguel ang anak na si Nikki na sa poder niya ngayon, hindi nangyari ’yon kay Sophia.

“Si Nikki? Sabi ko nga nung isang araw, ‘Nakakabuwisit talaga ang tatay mo! Kahit kailan nakakainis talaga ang tatay mo!’ Sabi niya, ‘Ma, chill ka lang! Huwag ka nang magalit. Mahal ko kayo ni Papa pareho!’ Gano’n? ’O di ba, kahit ano sabihin mo sa tatay?

“Lumalaki talaga…Hindi ko…Si Sophia, oo, kaugali ko ’yon eh. So, kung ano ang nakikita niya sa akin, ginagaya niya. Inaaway-away niya ang tatay niya.

“Pero sabi ko naman kay Miguel hindi mo naman nakasama ’yung bata. Dapat ’yon, inaano mo. Kumbaga mag-i-effort ka para i-win mo siya! Babae ‘yon. Hindi na gaya ng lalaki ’yon na, ‘O, pare!’

“Heto, hindi. Gusto niya isa-shopping mo siya. Gusto niya, baby siya. Wala eh. Pinapatulan eh. Paano magkakasundo? Inuwi ko na lang,” pahayag ni AiAi nang makausap ng ilang friends sa press.

“Si Miguel talaga! Pero ayoko naman kasing siraan ang tatay ng mga anak ko! Totoo ‘yung sa garahe. Si Miguel talaga ang dahilan. Ayoko na lang magsalita dahil ang anak ko, ayaw na rin. Pinoproteksyunan niya ang tatay niya,” katuwiran ng komedyana.

“Maayos naman ang garahe. Kaya lang ’pag summer, walang aircon. Kaya mainit. Can afford naman ako kaya kahit paano, puwede kong ilipat sa apartment. Puwede naman, kasi ang problema si Sophia, minor. Saka hindi ko siya puwedeng iwanan,” saad pa ng Concert Comedy Queen.

Hindi ba binawasan ni Miguel ang perang padala niya sa anak?

“Pera lang ’yon, huwag na nating pag-usapan! Gusto mo sa ‘yo ko ibawas ang pera? Hahaha!” ganting biro sa amin ni AiAi.

Naiwan nga si Nikki roon pero si Sophia, hindi kinaya ang buhay niya roon.

“Sanay kasi rito si Sophia na may driver, nagsa-shopping! Kuwento nga niya sa akin na tiniis niyang maglaba, mamalantsa…Gusto lang naman niyang mag-shopping paminsan-minsan. Eh nagagalit daw si papa niya!

“Pinag-aawayan nilang mag-ama ‘yung shopping at ‘yung aalis at gustong magpahatid. Eh akala niya, Makati lang ‘yon. ’Pag gusto niya, ngayon na, ngayon na! Hindi puwede.

“Sabi pa niya, ‘Mama, nagagalit sa akin. Seven hundred dollars lang naman ang nagastos ko! Akala mo lang ’yon, seven hundred. Feeling niya gano’n. Bakit daw nagagalit ’pag shopping siya nang shopping? Hahaha!” kuwento pa ni AiAi na kampante na ngayon dahil tapos na ang festival entry niyang Sisterakas with Vice Ganda at Kris Aquino.

vuukle comment

LANG

LSQUO

MIGUEL

NAMAN

NIYA

SABI

SI MIGUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with