^

Pang Movies

Aljur naging mabunga ang 2012 kahit konti ang naging trabaho

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Year 2012 has been good to Aljur Abrenica kaya naman, nagkaroon siya ng thanksgiving and Christmas party for the entertainment press. Biro niya, kapag daw mayaman na mayaman na siya, mas malaki ang ipamimigay niyang raffle prizes, tulad ng brand new car. This year kasi, during the time na wala siyang ginagawang projects, eight times nakapunta sa abroad si Aljur to promote GMA Pinoy TV. Then nakagawa siya ng Kontrabida Girl with Rhian Ramos for GMA Films at ang romantic-comedy series sa GMA 7 na Coffee Prince with ka-love team Kris Bernal.

Marami ring commercial endorsements si Aljur na iyong ibang natapos na ay muling nag-renew at may dalawa siyang bagong endorsements, ang Bench at Tupperware at sa early 2013, may dalawa pa siyang bagong endorsements.  Bago matapos ang 2012, isa pang movie ang nagawa ni Aljur, ang entry ng GMA Films sa Metro Manila Film Festival that will start on December 25, ang Sosy Problems na balita ay pinag-agawan siya sa story nina Heart Evangelista at Solenn Heussaff. He will play the role of Benjo, father niya si Robert Arevalo, pero pinalaki raw siya ng mga sosy girls, kasama rin sina Rhian Ramos at Bianca King. Hindi lamang pa-sosyal ang kanilang movie na dinirek ni Andoy Ranay, dahil mara­ming moral lessons na matututunan ang mga manonood mula sa script ni Aloy Adlawan.

Ilan pa sa mga kasama sa movie ay sina Mikael Daez as Santi, Alden Richards as Inigo, Mikey Bustos, Tim Yap, Cherie Gil, Mylene Dizon, Agot Isidro, Maritoni Fernandez, Johnny Revilla, Ricky Davao, Nova Villa, tween stars Barbie Forteza and Kristoffer Martin. May very special participation si Ruffa Gutierrez.

Going back to the party, sa kabila ng masayang atmosphere, hindi pa rin naiwasang tanungin si Aljur kung magkahiwalay pa rin ang kanilang mga magulang. Nilinaw na niyang maayos na at magkasama na ngayon ang parents nila at malamang bago matapos ang 2012, makalipat na rin sila sa bagong bahay na binili niya for his family somewhere in T. Morato in Quezon City.

Indio ni Bong lalabas sa mga sinehan

Sa thanksgiving and Christmas party din tendered by Sen. Bong Revilla, with wife Cong. Lani Mercado-Revilla, son Jolo and brother Bacoor Mayor Strike Revilla, ipinakita sa mga dumalong entertainment press ang dalawa niyang malalaking projects.  Una ang kanyang Metro Manila Film Festival entry, ang Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako with Vic Sotto and Judy Ann Santos at ang first epic telenovela from GMA 7, ang Indio na kita na agad kung gaano ito kalaki in scope and budget. Ipalalabas ito sa mga sinehang paglalabasan ng kanilang filmfest entry simula sa December 25. 

 

AGOT ISIDRO

ALDEN RICHARDS

ALJUR

ALJUR ABRENICA

ALOY ADLAWAN

ANDOY RANAY

BACOOR MAYOR STRIKE REVILLA

METRO MANILA FILM FESTIVAL

RHIAN RAMOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with