^

Pang Movies

Gwen Zamora hindi pinatos ni Vic!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Thankful si Gwen Zamora dahil kahit na three times na niyang nakakatrabaho si Vic Sotto ay hindi siya seriously na na-link sa kapareha. Si Gwen pa rin ang gumaganap na Faye sa Metro Manila Film Festival (MMFF) official entry na Si Agimat, Si Enteng Kabisote at si Ako.

Say ng seksing aktres, minsan lang sila na-link ni Bossing pero hindi naman iyon sineryoso ng marami dahil may ibang nali-link kay Vic that time.

Youtube sensation na si Zendee Rose mula ulo hanggang paa kung laitin

Hindi na lang daw iniintindi ng YouTube sensation na si Zendee Rose Tenerefe ang mga pintas sa kanya ng maraming bashers at haters sa Twitter at Facebook, lalo na noong lumabas siya sa show ni Ellen DeGeneres.

Diin ni Zendee, hindi siya mayabang o nagpi-feeling sikat na dahil nagsisimula pa lang siya ngayon.

“May nagsabi, ang yabang-yabang ko na. Napasagot ako na, ‘Hindi n’yo naman po ako kilala kung ano ako. Ganito po talaga ako kumilos, medyo childish.’

“Friendly po ako kahit hindi ko kilala, ganun po ako. Sabi nila, ‘Feeling sikat,’ ganun po. Hinahayaan ko na lang po. Nire-retweet ko po ‘yun para maka-gain po ako ng comfort sa ibang tao.”

Kapag gino-Google raw ni Zendee ang kanyang sarili, may nababasa siyang hindi magaganda. Iniiwasan na lang daw niya itong basahin pa dahil mai-stress lang daw siya.

Kapag stressed kasi si Zendee, napapakain siya ng marami. Kaya ayaw niyang makaranas ng stress.

Demi Moore kinalasan na naman ng art dealer na dyowa nang ma-piktyuran na lasing na lasing

Mukhang malungkot ang Pasko ni Demi Moore dahil iniiwasan na siya ng kanyang 26-year-old boytoy na si Vito Schnabel.

Isang art dealer ang dine-date ng 50-year-old actress ng ilang weeks pa lang after nilang magkakilala sa birthday party ni Naomi Campbell sa India last November. Pero kelan lang ay nakipagkalas na si Vito kay Demi.

Ayon sa New York Times: “Vito has worked very hard to be taken seriously in the art business and doesn’t want to be seen as somebody who dates celebrities.

 “He hated having photographers follow him around after work got out about him and Demi.”

Hindi nagustuhan ni Vito ang mga lumabas na mga litrato ni Demi na nagpa-party na tila lasing at wala sa sarili.

 “It was a distraction he didn’t need while all the big collectors were in town,” dagdag pa sa article sa New York Times.

vuukle comment

AKO

DEMI MOORE

KAPAG

LANG

METRO MANILA FILM FESTIVAL

NAOMI CAMPBELL

NEW YORK TIMES

VITO

ZENDEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with