^

Pang Movies

Aktor nanghabol ng suntok sa tumirang writer

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil sa isang negatibong balita, isang bit player na aktor ang nagwala. Hinabol niya ng umbag ang sumulat noong magkita sila sa isang event.

Galit nitong sinabi, wala na nga siyang trabaho ay inilalaglag pang pilit sa panulat. Nakatakbo ang writer at naiwasan ang mga suntok.

Dapat maghinay-hinay sa tiradang below the belt. Mahirap dumalo ng mga event lalo’t may nagtatanim ng galit sa mga artistang binibira. Mahirap at magastos ang mag-alaga ng mga pasa at sugat.

Charice nakisakay sa Pusong Bato

Parang hindi makapaniwala ang Pusong Bato singer na si Aimee Torres noong mag-ikot ng show sa mga mall. Tinotoo ng Star Records ang pa­ngakong tutulungan si Aimee sa mga kaapihang inabot niya sa composer ng sumikat na kanta. Hindi na kasi binabanggit ang original singer na si Aimee nang nag-revive at nag-compose ng kanta na si Renee “Alon” dela Rosa.

“Hindi po ako makapaniwalang may mag-asawang tagahanga ang nagbigay sa akin ng kuwintas na perlas,” kuwento ni Aimee.

May jewelry store pala ang mag-asawa sa Puerto Princesa, Palawan kaya’t kinayang magbigay ng perlas sa singer. Ngayon lang nakatanggap ng ganito ka-expensive na gift si Aimee galing sa tagahanga.

Grabe, talaga ang lakas sa masa ng Pusong Bato! Maging ang international singer na si Charice ay nakisakay na rin sa popularidad ng kanta. Siyempre bukod pa ’yan kay Bimby, ang bunso ni Kris Aquino.

Rita, lucky charm na rin ni Andrea!

Pantay-pantay ang pagtingin sa press ng mga lady staff ng GMA 7 na sina Marian, Irish, Kai, at Jopay sa mga tumutulong sa kanilang mga project. Hindi nga naman puwedeng puro papuri ang isulat. Minsan, pinupuna rin.

Well, ang masaya ay tuluy-tuloy ang pag-akyat ng Sana ay Ikaw Na Nga starring Andrea Torres. Maganda naman kasi ang show.

Tama ang suspetsa namin dahil kasama si Rita Avila. Siya ang lucky charm ng GMA ’di ba? Isang nakakahanga kay Rita, marunong siyang mag-thank you sa mga sumusulat sa kanya.                   

 

vuukle comment

AIMEE

AIMEE TORRES

ANDREA TORRES

CHARICE

IKAW NA NGA

KRIS AQUINO

MAHIRAP

PUSONG BATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with