Gusto nang idiborsiyo pero ayaw ng alimony: Fil-Am boxer hindi pa ma-‘knock out’ sa buhay ang Pinay wife!
Isang Fil/Am boxing champ ang nababalitang malapit nang i-divorce ang kanyang current wife. Ang balita, nagkagusto sa isang banyaga ang boxer kaya balak iwan ang kanyang Pinay wife.
Kaya hindi pa matuloy ang divorce ay malaki ang demand na alimony ni misis. Ayaw naman ni mister kahit kaya niyang bayaran ang gustong alimony ng kanyang iiwang misis.
Mga nakumbida ng sikat na celeb naimbiyerna lang sa layo ng probinsiya
Naghihimutok ang ilang nakumbida sa malayong probinsiya ng isang sikat na artista. Mula alas-kuwatro ng hapon, hanggang alas-dos ng madaling-araw ang ginawa nilang nakakapagod na coverage. Bukod pa ang mahabang biyahe upang makauwi sa kanilang mga bahay.
Ang reklamo nila, P1,500 lang ang bigay na pakimkim o pa-thank you.
Dapat huwag na kayong magreklamo dahil nagpaunlak kayo sa imbitasyon. Noon ngang panahon namin, TYFC lang! Ibig sabihin, ‘‘thank you for coming.’’
Noli Me Tangere ni Rizal ipalalabas sa mga paaralan sa 2013
Mabilis na nakatapos mag-shooting para sa makabagong paglalahad sa pelikula ng nobela ni Dr. Jose Rizal na Noli Me Tangere ang artistic director ng Balintataw Film & Theater Arts na si George Vail Kabristante.
Ito ang second collaboration nina Kabristante at former president ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na si Fernan de Guzman. Naging art director ng writer/director si Fernan sa well-acclaimed na Uod sa Laman, na hanggang ngayon ay napapanood pa sa Viva Pinoy Box Office sa TV. Ito rin ang film demonstration ni Kabristante sa Cyprus Congress of Greek Theater tungkol sa Konstantin Stanislavsky method for setting sa stage and film.
Ang mga gumanap sa Uod sa Laman ay sina Ronnie Lazaro, Angie Ferro, Alan Paule, Pen Medina, Ray Ventura, at Criselda Volks.
Sa Noli Me Tangere, tampok si Alex Castro bilang Crisostomo Ibarra. Si Zyrus Imperial ang gaganap na Elias. Supporting players sina Perla Bautista, Mengie Cobarrubias, Joe Gruta, Joel Gruta, at Joel Regala.
Sa darating na taon, posibleng maging pangulo muli ng PMPC si Fernan de Guzman. Ngayon pa lang ay nararamdaman ang lakas ng kanyang kandidatura kaya’t maraming members ng Club ang nagsasabing muling mahahalal na presidente ng PMPC si Fernan.
Ang Noli Me Tangere ay nakatakdang ipalabas sa mga paaralan sa buong kapuluan next year. Malamang na mabigyan ng endorsement ang pelikula ni Kabristante ng Department of Education.
SM Mall Cinemas nationwide, digital na!
Lahat ng mahigit na 200 cinemas sa lahat ng 45 branches ng SM Malls nationwide ay digital na. Kaya higit tayong masisiyahan sa panonood ng sine. Hindi lang natin alam kung kailan sila magdadagdag ng presyo ng tiket!
Tayo naman kasing mga Pinoy kahit taasan ang bayad sa panonood ng sine, tuloy pa rin ang ating pagiging No. 1 moviegoer sa buong mundo.
Sa ating bansa ang pinakamataas na porsiyento ng mga tao kumpara sa population, ang mahilig manood ng mga pelikula sa paid cinemas.
Pacquiao-Marquez fight magpapatahimik ng Linggo
Maraming nagdarasal na magtagumpay si Rep. Manny Pacquiao sa kanyang pang-apat na laban kay Juan Manuel Marquez. Sa Las Vegas, Nevada Dec. 8 ang schedule pero Linggo (ngayong Dec. 9) ito sa ating bansa.
Magiging tahimik na muli ang Linggo sa Pilipinas dahil halos lahat ng mga tao nasa kanya-kanyang bahay upang panoorin ang sagupaan sa TV o kaya’y sa mga lugar na may pay-per-view coverage ng boxing match.
Malapit na ang Pasko at gusto ni Pacman na isa ito sa mga mairegalo niya sa kanyang mga kababayan.
Bagong Kim sa Miss Saigon London hinihintay nang ipakilala
Naghihintay tayo ng formal announcement mula sa Miss Saigon staff kung sino sa mga Pinoy talent ang nakasali sa cast ng kanilang 2013 London revival.
This time, sinabing hindi kasing dami noong original version ng musical ang nakapasa pero meron na silang bagong Kim, na isang Pinay singer/actress din.
Maghintay na lang ang iba na magkaroon muli ng touring company ang Miss Saigon sa iba’t ibang bansa. Tiyak kasing nangangailangan sila ng higit na maraming new talents.
- Latest