^

Pang Movies

Magandang aktres hindi makontrol ang sarili pag nakikita ang morenong aktor

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Sobrang “L” (as in libog) ng magandang aktres. Hindi pala nakokontrol ang kanyang sarili, napapahalinghing ito kapag nakikita niya ang morenong aktor.

Pero umaalis na lang siya kasi nasasaktan din siya kapag nai-ignore siya.

Alfred kasing tikas ni Gat Andres

Siguro noong kabataan pa ng dakilang Gat Andres Bonifacio ay maraming babae ang umibig sa kanya. Matikas daw kasi siya, pogi, at malambing.

Speaking of Gat Andres and his kakisigan, kasing guwapo kaya siya ng actor-politician na si Konsehal Alfred Vargas ng Quezon City na gumaganap na Andres Bonifacio sa pelikulang Supremo? Eh ang councilor na magko-congressman ay mas lalo pang makisig ngayon.

Bossing dodoblehin ang effort para makabuo ng kambal

Si Bossing Vic Sotto sukol na sukol sa presscon ng pelikulang Si Agimat, si Enteng Kabisote at si AKO sa filmfest ng Imus Production, OctoArts Films, MZET, APT Entertainment, at GMA Films. Dami naman. Chop-chop na ang perang kikitain sa takilya. Eh paano raw kasi super laki ng scope ng nasabing pelikula at sabi ni Bossing ay ’di kaya ng isang producer na solohin ang produksiyon na idinirek ni Tony Y. Reyes.

Hindi na nila iniisip ’yung paghahati-hati ng kita. Basta sa ikagaganda ng pelikula at satisfaction ng moviegoers.

Balik sa nasukol si Bossing Vic. Inamin niya kasi na super saya siya ngayon lalo na’t Pasko. Alam na natin kung bakit. Dream pa pala niya na kung magkaka-anak uli siya, kambal ang gusto niya. O, sige, kaya gawing twice ang once na ginagawa nila ni babae. Para magpang-abot.

 

vuukle comment

ANDRES BONIFACIO

BOSSING VIC

ENTENG KABISOTE

GAT ANDRES

GAT ANDRES BONIFACIO

IMUS PRODUCTION

KONSEHAL ALFRED VARGAS

QUEZON CITY

SI AGIMAT

SI BOSSING VIC SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with