^

Pang Movies

Matteo ‘gamit na gamit’ si Maja!

- Vinia Vivar - Pang-masa

May mga lumalabas na balitang nagkabalikan na sina Matteo Guidicelli at Maja Salvador kaya naman nang makatsikahan namin ang aktor last Wednesday ay ito ang itinanong namin sa kanya.

 “It’s not true. Pero nagkabalikan na ’yung friendship namin kasi, for a while, hindi kami nag-uusap, pero at least now we’re talking again. We’re friends and we decided both na friends muna kami,” paglilinaw ni Matteo.

Napag-uusapan na rin lang si Maja, nilinaw na rin namin sa aktor ang mga naglabasan noon tungkol sa breakup nila na kesyo may third party involved at kesyo siya ang unang nakipaghiwalay.

Ayon kay Matteo, wala talagang third party at mutual decision nila ang breakup.

Masaya naman siya na nag-uusap na sila ngayon dahil after their split ay nawalan sila ng communication.

 “Talagang zero (communication). So, parang nalulungkot ako dahil siyempre you spent so much on the person and you’d erase them. I don’t wanna like erasing people in my life. So, I’m happy now that we talk and the memories will never be erased. It will always be there, parang a learning. I learned so much from her.

“And ’yun, I just wanna move on and concentrate on my new soap (Precious Hearts Romances Presents Paraiso),” sabi ni Matteo.

Sa ngayon ay hindi pa raw siya ready na magkaroon ulit ng panibagong girlfriend dahil naka-concentrate raw siya sa work at sa kanyang favorite sports na triathlon.     

At bukod sa seryeng Paraiso ay may indie movie rin si Matteo, ang Paglaya sa Tanikala, na napuri rito ang acting niya.

Mga kasali sa Amazing Race hindi pa nagkakalimutan

Nakakatuwang malaman na kahit pa nag-aaway-away ang 11 teams ng Amazing Race Philippines ay napakalakas ng bond nila sa isa’t isa.

Kumbaga, walang personalan at talagang good sport ang bawat isa. Katunayan nga, sabay-sabay pa silang nanood ng marathon ng show na ginanap sa bahay ni Saida Diola mula sa Team Amigas noong nakaraang Linggo.

Hanggang ngayon ay may komunikasyon pa rin ang lahat kaya naman nagba-bonding sila kapag may pagkakataon. Ayon sa kanila, ang Facebook group na eksklusibo lang para sa mga lumahok sa race ang nagiging tulay nila para mag-usap-usap.

Kuwento pa ni Jervi, nakakasama nila ni Saida si Pamela (Alabang Housewives) sa pagsya-shopping habang gumigimik naman daw ang ilan sa kanila kapag nagkakayayaan.

Samantala, ang isa pang latest sa mga contestant ay ang pagkaka-ungkat ng dating video ni Boom habang rumarampa bilang kandidato para sa Mister Philippines World.

Hindi lang pala si Bombshell Dani Castano ang may experience sa mga pageant. Noong 2003 pa sumali si Boom kaya’t maraming fans ng Amazing Race ang nagulat at naaliw na nakapag-pageant ang resident kengkoy ng Team Mag-Kumpare.

vuukle comment

ALABANG HOUSEWIVES

AMAZING RACE

AMAZING RACE PHILIPPINES

AYON

BOMBSHELL DANI CASTANO

MAJA SALVADOR

MATTEO

MATTEO GUIDICELLI

MISTER PHILIPPINES WORLD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with