^

Pang Movies

Aga, kumain ng uod

Pang-masa

MANILA, Philippines - Napakaselan man sa pagkain ni Aga Muhlach in real life, nasubukan naman niya sa kanyang show na Pinoy Explorer na kumain ng kakaiba. Akalain bang uod na nakukuha sa loob ng puno ay makain niya kasama ang mga guest niyang Artist Academy contestants na sina Shaira at Channel. Malinis at napakasarap ng uod na specialty ng Agusan del Norte.

Mayor Herbert hindi nakaangal sa hiling ni Mother Lily

Hindi nakatanggi si Quezon City Mayor Herbert Bautista sa hiling ni Mother Lily Monteverde na magbalik-pelikula naman kahit once a year lang. Ito ay matapos ang alok niya para sa Regal Entertainment, Inc. filmfest entry na Shake, Rattle & Roll XIV.

Mukhang makakalaban pa ni Bistek ang anak niyang si Harvey Bautista, isa sa mga bagets sa Goin’ Bulilit ng ABS-CBN, dahil balita namin ay may pelikula rin itong kasali sa December filmfest.

Sexbomb nakakaahon na

Noong mag-guest ang Sexbomb sa show ni Sharon Cuneta sa TV5, hinangaan ang mga dancer dahil pamilya pala ang priority nila na tulungan kaya’t kumakayod sa pagtatrabaho. Unti-unti na silang nakakaahon pagkaraang masibak ang
Daisy Siete sa GMA 7 at sa pag-alis sa Eat Bulaga. Nagpapatalbugan sina Mia, Aira, Jopay, Myca, Jomari, at Louise Bolton.

Nakakagulat si Mia, tatlong platong kanin pala ang kinakain niya every meal pero hindi siya tumataba. Kuwento ng Sexbomb, masaya sila dahil nabibili at natitikman pa rin nila ang lahat ng magustuhang bilhin dahil marami pa rin namang imbitasyong trabaho.

Personal…

Birthday greetings kina Jeric Vasquez ng Escolta Boys (Dec. 4) at Rainier Morales (Dec. 2). (Vir gonzales)

vuukle comment

AGA MUHLACH

ARTIST ACADEMY

DAISY SIETE

EAT BULAGA

ESCOLTA BOYS

HARVEY BAUTISTA

JERIC VASQUEZ

LOUISE BOLTON

MAYOR HERBERT

SEXBOMB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with