^

Pang Movies

Sunud-sunod ang magagaling na direktor ‘they come in threes’

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Umiral ang pagiging pamahiin ng mga Pinoy dahil sa pagkamatay kahapon ng direktor na si Celso Ad Castillo. Ang sey nila, nangyari na naman ang kasabihan na ‘they come in threes’  dahil pumanaw noong June 2012 ang direktor na si Mario O’Hara na sinundan ni Marilou Diaz-Abaya noong October 2012.

Mahuhusay na direktor ang tatlo at malaki ang mga kontribusyon nila sa sining ng pelikulang Pilipino.

Mahihirapan ang mga direktor na baguhan na pantayan ang achievements nina Mario, Marilou at Celso.

Maricel opisyal na ang pagbabalik sa Kapamilya

Opisyal na uli ang pagiging Kapamilya ni Maricel Soriano dahil pumirma siya kahapon ng exclusive contract sa kanyang former mother studio.

Isa si Maricel sa mga original star ng ABS-CBN nang ibalik ito sa mga Lopez noong 1986 pero nag-ober da bakod siya sa mga show ng TV5 at GMA 7.

Ang Bukas Na Lang Kita Mamahalin ang unang project ni Maricel sa Kapamilya Network. Magsisimula sa December  ang taping ni Maricel para sa bagong primetime show ng ABS-CBN at sure na sure ako dahil magkasama sila ni Tonton Gutierrez sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin. Si Maricel ang gaganap na nanay ni Gerald Anderson.

Lani huhusgahan na ang controversial na pakikipaghalikan

Ngayong tanghali ang press preview ng Flames of Love, ang pelikula nina Christopher de Leon, Lani Mercado at Dina Bonnevie na ipalalabas sa mga sinehan sa December 12.

Invited ako sa press preview ng Flames of Love at hindi puwedeng hindi ko ito puntahan dahil gusto kong mapanood ang controversial kissing scene nina Lani at Alvin Anson.

Isang family movie ang Flames of Love na kapupulutan ng araw. Guaranteed na maganda ang kuwento ng pelikula dahil ang award-winning scriptwriter na si Baby Nebrida ang sumulat ng script. Siya rin ang co-director ni Gigi Javier-Alfonso, ang respected officer ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino.

Dalawa ang showbiz event na kailangan na puntahan ngayon ni Lani Mercado, ang press preview ng Flames of Love at ang presscon ng bagong pelikula na pagtatambalan nila ng kanyang mister na si Senator Bong Revilla, Jr.

Magkasabay na magkasabay ang oras ng presscon at ng press preview. Hindi ko alam kung alin ang uuna­hin na puntahan ni Lani.

Ang suggestion ko eh umapir muna siya sa presscon ng new movie nila ni Bong at pagkatapos nito, dumiretso siya sa special screening ng Flames of Love dahil hindi naman nagkakalayo ang mga venue ng mga nasabing event.

vuukle comment

ALVIN ANSON

ANG BUKAS NA LANG KITA MAMAHALIN

BABY NEBRIDA

BUKAS NA LANG KITA MAMAHALIN

CELSO AD CASTILLO

FLAMES OF LOVE

LANI

LANI MERCADO

MARICEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with