^

Pang Movies

Edgar Alllan at Eugene huling magka-date!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

May playboy image na ba si Edgar Allan Guzman?  Unang nabalita na nakita silang magka-date ng leading lady niya sa stage play na Bona, si Eugene Domingo sa Manila Peninsula.  Pero may tsika rin na nakita silang magka-date ni Artista Academy finalist Shaira Mae na siya raw dahilan ng totoong break-up nila ng girlfriend niyang si Johlan Veluz.  Madalas daw nahuhuli si Edgar na nakikipag-text kay Shaira Mae sa taping nila ng eco-fantaserye niyang  Enchanted Garden sa Dinalupihan, Bataan.

Bukas ay 23rd birthday ni Edgar at isi-celebrate niya ito sa  Game & Go  at Pidol’s Wonderland sa TV5. 

Magpapasalamat siya sa lahat ng blessings na patuloy na dumarating sa kanya.  

Anak nila Boyet, ayaw isiping anak siya ng artista

Bukas na ang first taping day ng bagong youth-oriented show ng GMA 7, ang Teen Gen na pangungunahan ng dalawang champions ng Protégé: The Battle of the Big Artista Break na sina Thea Tolentino at Jeric Gonzales at ng pitong teens na nakapasa sa audition na pinamahalaan ng director nilang si Mark Reyes.

Noong isang gabi ay nagkaroon ng pocket interview at ipinakilala na nila ang kanilang mga characters, sina Juancho Trivino as Lucho, Dian­ne Bernadette Hernandez as Lyca, Enrico Abel Estanislao as JV, Gianna Revilla as Madison, Seth Patrick Isay as Itos, Sunyee Maluche as Drew, Gab de Leon as Jeff.  Si Thea is Angge at si Jeric si Tiago.  Wala si Arkin Magalona, si Mackenzie. Biro namin kay direk Mark, may nakikita na ba siya na magpapasakit ng kanyang ulo. Wala raw naman, nakikita niyang mababait at sumusunod sa mga sinasabi niya ang mga TeenGens na nag-undergo na ng acting workshops under Yanni Yuson.  Sa Sunday, December 16 na ang pilot telecast ng  Teen Gen.

Isa sa nakausap namin si Gab de Leon, bunso sa three boys nina Christopher de Leon at Sandy Andolong.

Matagal na niyang gustong pasukin ang showbiz pero sinunod niya ang request ng parents na tapusin muna ang college.  At 20, graduate na si Gab ng 3-year course ng Photography sa College of St. Benilde sa La Salle University.  Ayaw daw niyang isipin na parehong artista ang parents niya para hindi siya ma-pressure lalo na kapag nagsimula na silang mag-taping.  Hindi ikinaila ni Gab na girlfriend niya ang kasama niya sa interview.  Co-manage si Gab ni Malou Choa-Fagar sa GMA Artist Center.

 

vuukle comment

ARKIN MAGALONA

ARTIST CENTER

ARTISTA ACADEMY

BATTLE OF THE BIG ARTISTA BREAK

BERNADETTE HERNANDEZ

BUKAS

COLLEGE OF ST. BENILDE

SHAIRA MAE

TEEN GEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with