^

Pang Movies

Sexy model turned actor matrona rin ang ipinalit sa makunat na ex

SO...CHISMI ITOH? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Itinigil na ng sexy model turned actor (SMTA) ang kanyang tagong relasyon sa isang madatung na matrona dahil hindi naman tumataas ang talent fee niya  tuwing nagkasama sila at pinapaligaya niya ito.

Halos apat na taon na ang kanilang lihim na relasyon pero pakiramdam niya ay lugi siya sa mga pinaggagagawa niya sa matrona.

 “Hindi nga mapalitan ni SMTA ang luma niyang kotse dahil sa pagiging barat ng matrona. Mabuti na lang at sagot nito parati ang pagpapa-full tank ng kotse niya or else bawas pa iyon sa ibinabayad sa kanya.

“Eh may ibang girlfriend pa naman si SMTA na high maintenance kaya kulang talaga ang TF niya mula sa mayamang gurang,” chika pa ng aming source na close kay SMTA.

Wala namang ibang choice si SMTA kundi ang pagtiyagaan ang gurang dahil dumating ang panahon na wala siyang regular na trabaho. Sinasamantala naman daw iyon ng matrona dahil alam na hindi mag­reklamo si SMTA at lahat ng gusto niyang ipagawa ay gagawin ng bagets

 Ngayon nga at nagkaroon na nang magkakasunud-sunod na trabaho ang SMTA, nagpasya na itong itigil na ang kanyang relasyon sa matrona dahil may iba nang kumagat sa bagong rate niya.

Nagulat si SMTA na hindi man lang  tumawad ang bagong seserbisyuhan niyang matrona na kaibigan din pala ng iiwan niyang matrona.

“Inalam talaga ni SMTA kung sino ang mga kaibigan ni matrona na galante at nalaman niya ito sa kaibigan din niyang male model na matagal na naging dyowa ng bago niyang matrona. Nag-asawa na kasi ang naturang model kaya binitawan na siya.

 “Kaya umeksena na si SMTA at mabilis nga niyang napainit ang bago niyang matrona. Malaki nga  ang itinaas ng presyo niya kaya sa mga darating na buwan ay mapapalitan na niya ang luma niyang sasakyan dahil sa bagong TF niya sa bago niyang matrona lover,” ending pa ng source namin.

KC hindi ipinaalam kay Gabby ang sexy calendar

Nakatulong kay KC Concepcion ang dalawang linggong pagbakasyon niya sa Europe. Sa France at Italy siya naglibot kasama ang mga kaibigan.

 “Actually, naimbitahan lang naman ako ng friend ko to take that vacation. Since kakatapos lang that time ng X Factor Philippines at nag-stop taping kami for Against All Odds, sumama na ako.

 “Nag-enjoy ako kasi matagal din akong hindi nagbakasyon na walang iniintindi na trabaho. I really enjoyed my vacation,” kuwento ni KC.

Mabuti na lang daw at nauna na niyang matapos ang pictorial para sa ini-endorse niyang liquor brand na Tanduay bago siya umalis for Europe. Pag-uwi lang niya siya nag-rehearse para sa ginawa niyang dance number sa press launch.

Sobrang sexy nga si KC sa mga kuha niya para sa calendar ng Tanduay for 2013. Full support naman ang kanyang inang si Sharon Cuneta-Pangilinan. Pero ang kanyang amang si Gabby Concepcion ay hindi alam na may ginawa siyang kalendaryo.

 “I wasn’t able to talk to my papa. But I know in my heart that he will be happy and he’s always supporting me with my career.

 “Si daddy (Sen. Francis Pangilinan) naman, walang problema sa kanya. He’s very supportive as well,” sabi ng aktres.

Hindi iindahin ni KC ang mga batikos sa kanya ng ibang tao dahil sa pag-endorse niya ng isang liquor brand. Marami kasi ang nagsasabing hindi na niya kailangan pang magpa-sexy para lang maging endorser.

 “I’ve been an endorser for eleven years now. I know kung ano ang makakatulong at hindi makakatulong sa akin. Viva Artist Agency is part of this decision-making and I am proud of doing this,” giit ni KC.

Dagdag pa ng anak ni Mega, wala naman daw magagalit sa kanyang mga sexy calendar poses dahil single naman siya at malaya niyang magagawa ang mga gusto niya.

 

vuukle comment

AGAINST ALL ODDS

DAHIL

MATRONA

NIYA

NIYANG

SMTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with