Show nina Bea at Jake hindi totoong nabobokya tuwing umaga
Mali ang nagsasabing walang nanonood ng Cielo de Angelina dahil ngayong nasa fifth week na ang morning drama series ni Bea Binene with love team Jake Vargas, maii-extend pa ito dahil nadagdagan pa ang commercial loads nila.
Masaya ang GMA Films na first try nilang mag-produce ng soap sa TV. Ngayong Lunes, mapapanood na ito sa bagong timeslot at 10:30 a.m. Maraming revelations na ikagugulat ng televiewers, like bakit nga ba ayaw ni Mamer (Baby O’Brien) na pumasok sa school ng apo niyang si Marian si Angelina (Bea)? Ayaw naman pumayag ang adoptive father ni Angelina, si Benjie (Gerald Madrid), na alisin ang anak doon.
Marami pang character na papasok like si Biboy Ramirez na unang nabalita na tinanggap ang offer ng TV5 pero bumalik muli sa GMA kaya balik-love team sila ni Roxanne Barcelo na katambal niya noon sa Click. Susundan naman ito ng Nay-1-1 nina Jaya at Gladys Reyes na dating napapanood after ng Unang Hirit.
Mayor Bong inspiradong kumanta dahil sa magagandang lugar ng ’Gapo
Second time na kaming naimbita sa Olongapo City ni Mayor Bong Gordon. Una nang bigyan niya ng special award at ini-adopt na Son of Olongapo ang singer na si Arnel Pineda, na hindi man doon isinilang, doon naman nahasa ang pag-awit tulad nina Freddie Aguilar, Joey “Pepe” Smith, at Sampaguita.
At last week, with some showbiz writers, nag-attend naman kami ng launching ng third album ni Mayor Gordon from Viva Records, ang Let’s Celebrate, produced by Margot Gallardo. May 24 tracks ang double CD na tungkol sa iba’t ibang celebrations tulad ng Valentine’s Day, wedding, reunion, love, Christmas. New Year. Sa launch na ginanap sa oldest pizza parlor sa Olongapo, ang Sam’s Pizza, ipinarinig niya ang ilang cuts ng album with his Bonggo Band at four female back-up singers na isa rito ay ang wife niyang si Anne na siyang susunod na kakandidatong mayor ng Olongapo habang si Mayor Gordon ay kakandidato namang congressman ng kanilang distrito sa May, 2013 elections.
Bale inspirasyon ni Mayor Gordon sa kanyang mga awitin ang iba’t ibang lugar at festivals na ginaganap sa Olongapo, tulad ng awitin niya noon na Sibit-Sibit na isang festival sa Olongapo na dinadayo ng mga turista. Sa pamamagitan ng mga kanta, naipo-promote niya ang mga ito. Kaya naman hindi kataka-taka na tinangkilik ang kanyang mga album. Ang una, ang Fighting For Excellence ay isa nang certified platinum at ang second album na Deep Inside My Mind ay certified gold.
Sa Let’s Celebrate album niya, may isa siyang composition, ang Always With You na collaboration niya with Edith Gallardo, arranged by Nino Regalado. Hindi kami nagkamali na ang said song ay dedicated niya sa misis at sa only child nilang si Grace. Sa ngayon, out na sa all record stores ang Let’s Celebrate at available na rin sa iTunes.
- Latest