^

Pang Movies

Supremo pasok sa Cinemanila!

SHOWBIZ UPDATE - Pang-masa

Bata pa pala at nag-aaral sa Ateneo University, ang school ng National Hero nating si Jose Rizal, si 2nd District Councilor Alfred Vargas, mas gusto niya si Andres Bonifacio. Kaya pinili niyang gawin ang indie film na Paglilitis ni Andres Bonifacio at ngayon ay ginawa na niya ang Supremo na siya at ang kapatid na si PM (Patrick Michael) Vargas ang producer.

Natanong ang actor-politician kung gusto ba niyang pali­tan na ni Andres Bonifacio bilang National Hero si Jose Ri­zal. Hindi naman daw, gusto lamang niyang i-elevate sa parehong posisyon si Bonifacio dahil para sa kanya kung si Rizal ang Utak ng Rebolusyon, si Bonifacio naman ang Puso ng Re­bolusyon. 

Hanggang ngayon, pinagtatalunan pa rin kung sino ang tunay na nagpapatay kay Bonifacio, may nagsasabi kasing si Gen. Emilio Aguinaldo ang nag-utos na patayin siya sa Mt. Buntis in Cavite. 

Sinunod daw lamang ni Alfred at mga kasama kung ano ang result ng research nila at sa librong inilabas ng National Historical Commission tungkol doon. Ang scriptwriter ang nagsabi na may marker sa isang lugar sa Maragondon, Cavite pero wala pa ring makapagsabi kung doon ba talaga pinatay si Bonifacio. Ang mga descendant niya ay hindi rin alam kung saan siya talaga nalibing.

Thankful si Alfred kay Richard Somes na all-in-one guy na bilang director, line-producer, production designer kaya malaki talaga ang nabawas nila sa budget. Ang kilala lamang artista sa cast ay sina Alfred at Mon Confiado na gumanap na si Macario Sakay, best friend ni Bonifacio. Ang iba pa ay mga artista na ni Direktor Somes sa mga ginagawa niyang pelikula. 

Kahit si Nica Naval na gumanap na Gregoria de Jesus ay last minute lamang nilang nakuha. Hindi na ito dumaan sa audition dahil hindi na rin siya bago sa showbiz bilang isang commercial model at na­kapag-guest na rin sa mga movies and teleserye. Pero honored si Nica na nakasama siya sa Supremo at nakatrabaho si Alfred na napaka-humble raw at hindi ipinaramdam na isa siyang pulitiko at isang mahusay na artista. 

Matapos ang ilang beses na editing ng movie, aa­bu­tin ito ng two hours and twenty five minutes. Sa Nov. 30 na ika-149 years na ni Bonifacio ang grand premiere night sa SM Fairview, Quezon City na sakop ng distrito ni Alfred. 

Sa Dec. 5 ang showing ng movie in all SM Cinemas. At honored sila na kasali ang Supremo sa coming CineManila International Film Festival sa isang buwan at in competition ito. Kasali rin sila sa Cinema One pero for exhibition, sa December din. 

Nagpasalamat si Alfred sa suporta ng Department of Education at Commission on Higher Education na iri-require nilang panoorin ito ng students nila. Dadalo sa premiere night, ang mga buhay pang descendant ng kapatid ni Bonifacio na si Procopio Bonifacio.

 

ALFRED

ANDRES BONIFACIO

ATENEO UNIVERSITY

BONIFACIO

CAVITE

CINEMA ONE

DEPARTMENT OF EDUCATION

DIREKTOR SOMES

NATIONAL HERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with