^

Pang Movies

Buti pa noong live-in lang sila showbiz couple lumala ang problema nang magpakasal!

SO...CHISMIS ITOH? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kung kelan naman daw nagpakasal si female celebrity sa kanyang non-showbiz boyfriend ay doon pa raw sila nagkaroon ng sari-saring problema.

Mabuti pa raw noong live-in lang sila ay wala silang problemang malaki at maayos ang takbo ng buhay nila.

Ngayon kasi ay kung anu-ano na raw ang pinag-aawayan nila at lagi na raw nasi-stress ang female celebrity sa kanyang mister na ubod ng insecure sa buhay.

Nagtataka naman daw ang mga kaibigan ni female celebrity dahil noong hindi pa raw sila kasal ay hindi naman daw ganun ang ugali ng boyfriend nito. Wala naman daw pinagkaiba sa trabaho nila noon at ngayon.

Naiisip lang ni female cele­brity dahil sa kasal na sila, kailangan mas malaki ang kitain ng mister niya kesa kanya bilang man of the house.

Kaso nga ay mas malaki nga ang kinikita ni female celebrity at paraket-raket lang ang mister niya. Dun daw nai-insecure si mister dahil nababawasan daw ang pagkalalake niya.

Kung noon daw ay open ang communication ng dalawa, ngayon ay halos hindi na sila nag-uusap. Kung noon ay parating sinasama ni female celebrity ang boyfriend niya sa kanyang mga trabaho, ngayon daw ay ayaw na nitong sumama dahil nahihiya raw siya.

Dasal ng mga kaibigan ni female celebrity na huwag naman mauwi sa hiwalayan ang dalawa. Ilang taon din silang nagsama ng masaya, ngayon pa ba sila masisira kung kelan legal na ang pagsasama nila?

Ang gawin ng mister ni female celebrity ay maghanap ito ng maayos na trabaho para hindi ito na i-insecure sa kinikita ng misis niya.

sherilyn reyes at Chris Tan tuloy na ang kasal sa simbahan

Sa December 10 na nga ikakasal sila Sherilyn Reyes at Chris Tan. Magaganap sa Sanctuario de San Jose sa Greenhills ang wedding at sa Marriot Hotel sa Resorts World Manila ang reception.

Eleven years ngang nagsama sila Sherilyn at Chris pero nine years na silang civilly married. Annulled naman na si Sherilyn sa kanyang dating asawa na si Jun-Jun Santiago three years ago. Nakuha na rin nila ang church annulment ni Chris sa dati nitong misis.

Kelan lang daw nakumpleto ang mga requirements nila kung kelan malapit-lapit na ang wedding nila.

“Yung requirements ko, nakumpleto na. Yung confirmation certificate na lang ni Chris ang hinihintay. But everything else, okey naman—mga maliliit na detalye na lang.

barbara walterS isinusumpa si Lindsay Lohan

Galit na galit si Barbara Walters kay Lindsay Lohan dahil sa pagkansela nito ng one-on-one interview sa kanyang show na 20/20 at mas pinili nitong magpa-interview with Jay Leno.

Wala ngang rason ang mga tauhan ni Lohan na binigay kay Walters kung bakit ito umayaw sa interview.

Sa show ni Walters na The View, ito ang sinabi niya sa mga tauhan ng controversial Hollywood actress: “If they’d said to me ‘You know, Barbara, she isn’t up to the kinds of questions that you might ask’ ... If they had told me that, I wouldn’t feel quite as disappointed as I do today.”

Maayos ngang naka-schedule na ang interview ni Lohan sa 20/20 nang biglang ikansela. Ang rason daw ay hindi pa raw ready si Lindsay. Pero biglang nalaman ni Walters na kay Jay Leno ito uupo at magsasalita.

 Hinala ni Walters na hindi kakayanin ni Lindsay ang mga hard-hitting questions niya na may kinalaman sa kanyang pamilya, drugs, alcohol at ang ilang kaso niya ng DUI.

 

 

vuukle comment

BARBARA WALTERS

CHRIS

CHRIS TAN

DAW

FEMALE

JAY LENO

LINDSAY LOHAN

NIYA

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with