^

Pang Movies

Juday excited nang mabuntis ulit!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Judy Ann Santos admits na gusto na nilang sundan si Lucho Agoncillo next year.

 “Para kasing, at least, magkasunod sila ng edad ni Lucho ’tapos medyo bata pa ako para makapagpapayat, ’yung ganun,” rason niya.

Since kagagaling lang nga nila ni Ryan Agoncillo at mga bata sa South Korea, natanong namin siya kung hindi ba sila nakabuo ng baby roon lalo pa nga’t malamig doon ngayon.  

 “Hindi yata eh,” sabi niyang nakatawa. “Magugulat ako ’pag nabuntis ako. Paano nangyari ’yun?”

Walang naganap?

 “Walang honeymoon, Teh! Kasama namin ang family, with the kids,” sagot ni Juday. “Kaya nga ako may sakit ngayon. Sa lamig, pagod din. Pero masaya. Family trip siya saka first time na maka-experience ng malamig na weather ang mga anak namin. So, bonggang-bonggang outfit naman sila.

 “Nakakatuwa at saka nakakatuwang ma-experience ’yung mag-alaga ka ng mga bagets nang wala kang kasamang mga angel (maid). ’Yung nanay, nanay talaga (ako). So ’yung sakit ko, worth it. Sakit ng nanay itong nararamdaman ko. So, masaya ako, a tear fell,” natatawang kuwento ng aktres.

Ano ang highlight ng trip nila sa Korea?

 “Nag-Everland (Park) kami. ’Tapos kain ng mga street food. Ako naman, basta pagkain, alam mo nang nanghihina ang tuhod ko diyan, ’di ba?

“Kain ng seafoods. Walang masyadong shopping kasi sa mga gamit pa lang ng mga bata, tig-dawalang maleta na sila. Paano ka pa mamimili?

 “Pero mas ’yung mga sightseeing, ’yung mga historical place. All in all, it’s a trip that you want to do it again kasi nagkaroon ng major bonding ang buong family,” kuwento ng aktres.

Birthday daw ng mommy ni Ryan at ng pa­nga­nay nilang si Yohan kaya doon nila dinesisyong mag-celebrate.

 “Para maiba naman. Six days yata kami run. Kararating lang namin noong Monday,” she said.

Pero next week ay pupunta sila sa London, England ni Ryan at work naman daw ito. Say ng aktres, malay natin at baka makabuo sila ng baby made in London.

Miguel Aguila type makasama si Kathryn

Natutuwa naman si Miguel Aguila dahil ang dami niyang naka-line up na shows considering na kababalik lang niya sa showbiz. Last Nov. 8 ay nag-taping pa siya for Maynila at ginamit na theme song ang kanyang mga kantang Binibini at Simple Lang na kasama sa kanyang self-titled album.

Ngayong Nov. 13 naman ay nasa Market! Market! sa Taguig City siya as front act for Sarah Geronimo, gayundin on Nov. 16 and this time kasama naman niya ang various Viva and Vicor artists.

Kasama rin siya sa fund-raising show ng PMPC (Philippine Movie Press Club) on Nov. 24 sa Zirkoh, Morato, Quezon City. Ang month of December niya ay halos fully booked na rin para sa iba’t ibang shows.

In the past three years kasi ay sa iba’t ibang bansa nag-perform si Miguel kasama ang dati niyang grupong Angelos kaya nag-lie low ang kanyang showbiz career sa ’Pinas.

If given the chance, siyempre ay gusto ring magkaroon ulit ng teleserye dahil nami-miss na niya ang pag-arte. Huli siyang nagkaron ng drama series noong child actor pa siya sa GMA 7.

Ngayon ay walang kontrata si Miguel sa kahit anong network kaya puwede siya kahit saan. Gusto niyang makasama sa isang project ang childhood friend niyang si Kathryn Bernardo kung mabibigyan siya ng chance.

 

AKO

JUDY ANN SANTOS

MIGUEL AGUILA

PERO

SIYA

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with