Lani takot na takot sa galit ni Sen. Bong
Worried na worried si Lani Mercado dahil sa mga publicity ng Flames of Love, ang family movie nila ni Christopher de Leon na showing sa mga sinehan sa Dec. 12.
Nag-aalala si Rep. Lani dahil sa reaksiyon ng kanyang mister na si Sen. Bong Revilla, Jr. Nakasentro kasi ang mga publicity ng Flames of Love sa kissing scene nina Lani at Alvin Anson.
Torrid kissing scene ang interpretation ng marami sa lip service ni Alvin kay Lani sa eksena nila sa Flames of Love. Napanood ko na ang kontrobersiyal na eksena at ako na mismo ang magsasabi na walang dapat ikagalit o ipagselos si Bong. Kung pangit at malaswa ang eksena, mismong ako ang magsasabi sa direktor at producer ng Flames of Love na i-edit ang kissing scene dahil makakasira ito sa wholesome image ni Lani.
Nagkausap kami ni Lani kahapon habang nasa presscon ako ng Magpakailanman. Pinayuhan ko si Lani na huwag nang mag-alala dahil walang reason para magalit si Bong sa kanya.
Nakakalokang isipin na isang pelikula na pampamilya ang Flames of Love pero parang sexy movie ang benta sa project. Walang ganoon ’no?!
Magkakaroon pa ng grand presscon at press preview ang Flames of Love. Puwede kong imbitahin si Bong sa press preview para makita niya na walang masama sa kissing scene nina Lani at Alvin.
Valerie na-late sa presscon dahil sa pagpapakulot
Cast member din ng Flames of Love si Valerie Concepcion na humabol sa presscon noong Martes pero iilan na lamang ang mga reporter na kanyang inabutan.
Nanggaling pa kasi si Valerie sa parlor. Sumobra yata ang kanyang pagpapaganda kaya na-delay ang pag-apir niya sa presscon. Nasayang ang kulot-kulot na buhok ni Valerie dahil hindi siya na-sight ng ibang reporters.
Zendee Rose ibibida sa Magpakailanman
Pinagdedebatehan pa ng production staff ng Magpakailanman ang episode na ipapalabas nila sa pilot telecast ng kanilang show sa Nov. 17. “Pinipili pa” ang sagot sa akin ni Mona, ang executive producer ng comebacking drama series ni Mel Tiangco. May nagsabi sa akin na baka ang life story ni Zendee Rose Tenerife ang gamitin sa pilot episode pero ngayon pa lamang yata ang taping ng aktres na gaganap sa katauhan ng singer na kamakailan lamang nag-guest sa show ni Ellen DeGeneres.
Wency Cornejo makaka-duet na si Kyla sa show ni Mommy Mel
Ayaw sabihin ni Mama Mel kung kukunan pa rin sa tabing-dagat ang kanyang mga intro at extro sa Magpakailanman.
Abangan na lamang daw ng televiewers ang pagsisimula ng Magpakailanman sa susunod na Sabado para makita nila ang changes sa kanyang programa. Ang anak ni Mama Mel na si Wency Cornejo ang kumanta ng original theme song ng Magpakailanman. Siya pa rin ang kakanta ng theme song pero ka-duet na niya si Kyla.
limang taong namahinga
Ang bilis ng panahon dahil five years na pala ang nakalilipas mula nang magpaalam sa telebisyon ang Magpakailanman.
Nang ipakita ang AVP ng show, mga bagets pa ang hitsura ng ilan sa mga artista na nag-guest sa Magpakailanman. Nagulat pa ako nang mapanood ko ang video ng guesting ni Lorna Tolentino. Nalimutan ko na nag-guest pala noon si LT sa programa ni Mama Mel.
- Latest