^

Pang Movies

Andie, natagusan!

Pang-masa

MANILA, Philippines - Magkakaroon ng gimik ang Coffee Prince para sa Halloween. Maiisip ni Arthur (Aljur Abrenica) na pagsuotin ng white ang Barako Boys including Andie para sa araw na iyon. React naman si Andie dahil kung kailan pa siya ‘meron’ saka naman sila magsusuot ng white. Maririnig ni Arthur ang worry ni Andie at mag-uusisa kung anong ‘meron’ si Andie. Magpapalusot si Andie na meron na siyang nabiling costume kaya sayang naman ito.

Distracted pa rin si Arlene sa paglayo sa kanya ni Arthur. Kahit si Errol ay hindi siya mapasaya. Clueless pa rin si Errol sa mood swings ng gf niya na nag-promise pa na babawiin niya si Arthur kay Mandy. Ayaw talagang magpatalo!

Papadalhan ng pastries ni Arthur ang family ni Andie. Makakaamoy na naman ng romance sina Beth at Mylene. Mukhang nanliligaw daw si Arthur. Deny na naman si Andie kaya pipilitin na siyang paaminin ng dalawa. Takot lang pala si Andie na aminin ang feelings niya kay Arthur dahil baka maulit lang ang nangyari kay Errol.

 Sa Halloween, sasayaw ang Barako Boys with Andie sa customers. Magugulat na lang si Andie nang makita niyang may tagos siya. Dali-dali itong aalis para magpalit. Biglang makikita siya ni Andie na may dalang napkin. Gulantang si Andie ngunit malulusutan si Arthur.

Hindi na matitiis ni Errol ang pag-iwas sa kanya ni Arlene. Kakausapin na ito ni Errol dahil napapansin niyang puro na lang si Arthur ang concern nito. Mukhang hindi raw masaya si Arlene sa kanya. Silence lang ang isasagot ni Arlene kaya mage-gets na ni Errol ang gusto nitong sabihin. Mauuwi sa break-up ang dalawa. Again?

Break na nga itong sina Arlene at Errol for the nth time. Ibabalita ito ni Arlene kay Arthur. Magkakaroon na naman ng hope si Arthur kay Arlene kaya dedma na namam nito sa advice ni Andie na ngayon ay inlavabo na talaga kay Arthur.

Ilang beses nang gustong umamin ni Andie kay Arthur dahil halos pumutok na ang dibdib niya sa pagkikimkim niya. Sasabihan siya nina Beth at Mang Ernie na dapat na nga itong umamin. Nang finally maisip niyang dapat na siyang umamin, pupuntahan niya si Arthur sa condo nito pero pagpunta niya dito, makikita niya sina Arthur at Arlene together, kissing.

Naglalakad na si Andie papalayo ng condo. Hindi na niya kakayanin. Maiiyak na siya. For the second time, broken-hearted na naman siya. Mapapaupo na siya sa gilid ng pavement. Hinang-hina sa nangyari.

Mas nagiging masaya na ang bawat mga eksena sa inabangang Coffee Prince gabi-gabi sa GMA 7.

 

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

ANDIE

ARLENE

ARTHUR

BARAKO BOYS

COFFEE PRINCE

ERROL

KAY

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with