^

Pang Movies

Valerie hiwalay na naman sa bf!

SHOWBIZ UPDATE - Pang-masa

Almost three years din palang hindi nakagawa ng movie si Valerie Concepcion, ang last pa niya ay ang One Night Only ng OctoArts Films.  After that wala rin siyang naging regular soap, mga guests roles lamang, kaya nang i-offer sa kanya ng producer-writer na si Baby Nebrida ang Flames of Love, na-overwhelmed siya dahil first time niyang makakasama ang mga award-winning actors na sina Christopher de Leon, Lani Mercado-Revilla, Jaclyn Jose, Dina Bonnevie, Ricky Davao and Allan Dizon.  First time din niyang magiging director si Gigi Javier-Alfonso, ang kasalukuyang pangulo ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino.  Kasama rin naman niya ang mga young actors na sina Megan Young, Mavi Lozano and Jodi Nebrida.

Pero inamin ni Valerie na hindi naging madali ang role niya sa Flames of Love dahil siya ang nasa sentro ng story, sa kanya umikot ang bawat eksena ng ibang miyembro ng cast.  Emotionally draining ang kanyang role.  Nang ibigay sa kanya ang script, medyo nagdalawang-isip daw siya lalo na nang malaman niyang ma-i-involve siya sa apat na lalaki sa story, pero sinabi raw sa kanya ni Baby Nebrida na basahin muna niya ang script bago siya mag-decide.  Nagustuhan niya ang script, ang role niya, kaya niya tinanggap.  Thankful siya sa mga kasama niya, na very professional at very supportive lalo na sa mga dramatic scenes. 

Kaya sana raw ay suportahan ang movie nila ng mga manonood sa pagsisimula ang showing sa December 12, 2012.  Ito raw ang magpapabalik sa family drama movie na matagal nang nawala sa mga pelikulang  pinapanood natin ngayon- inspiring, enlightening and entertaining.  Story ito ng apat na pamilya na may kani-kanilang problema na tiyak na makaka-relate ang mga manonood.

Natanong namin si Valerie tungkol sa kanyang lovelife, pero wala na pala sila ng kanyang boyfriend of four years.  Isa rin palang reason kung bakit pansamantala siyang nawala, ready na si Valerie na magpakasal, napag-usapan na pala nila ito ng boyfriend, pero last minute, bigla siyang nag-back-out, na-realize Raw niyang hindi pa siya ready to settle down.  Pero may communications sila at business partners sila ng kanyang ex-boyfriend.

Hindi raw siya nakikialam sa business na tungkol sa sugar cane since taga-Cebu ang guy, basta nagpasok daw siya ng share niya at may bumabalik naman sa kanyang income.

She’s happy being single with her 8-year old daughter Fiona.  At next month, magsisimula raw siya ng bagong soap sa ABS-CBN, untitled pa, pero makakasama niya sina Vina Morales at Carmina Villarroel.

HULING MAY DUGO

Lalong nagiging complicated ang story nina Andie (Kris Bernal) at Arthur (Aljur Abrenica) sa Coffee Prince. Ano kaya ang mangyayari dahil alam ni Arthur na lalaki si Andy, sa isang performance nila sa coffee shop, na may monthly period si Andie, tinagos siya.  Malusutan kaya niya si Arthur matapos siyang makitang may dalang sanitary napkin?

 

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

ANDIE

BABY NEBRIDA

CARMINA VILLARROEL

FLAMES OF LOVE

NIYA

SIYA

VALERIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with