^

Pang Movies

Sa unang birthday party Regalong pera sa anak nina Regine at Ogie diretso sa charity

FREE LANCER - Pang-masa

Ngayon na ika-isang taong kaarawan ng anak nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid na si Nate at siyempre magiging bongga ang selebrasyon.

At bago pa man ang kanyang birthday, napakarami nang laruan at damit ang nagreregalo sa kanya. Kaya inisip ni Regine na sa murang edad ng anak ay magkaroon na ito ng charity awareness kaya sa halip na regaluhan siya ng mga damit at laruan ay pera na ang ireregalo ng mga bisita sa party dahil pipili siya ng isang charitable institution na pambata at ido-donate roon ang perang malilikom sa kanyang unang birthday celebration.

Kahit maliit lang na halaga ay puwedeng i-donate. Halimbawa ay P2,000 na kayang ibigay ng celebrities.

Idinagdag pa ni Regine na nagbibigay na sila ng mga damit at laruan sa mga less fortunate na mga bata.

Ganda ng aktres nawala nang magparetoke

Nagkaroon ng isang screening sa opisina ng isang produ tungkol sa pelikulang malapit nang ipalabas.

May mga nagtatanong kung nagparetoke ba ng mukha ang isa sa mga bida na hindi nila nakilala dahil bukod sa tumaba ay nag-iba ang hitsura ng aktres.

Sabi nga nila, kay ganda na ng mukha ng aktres bakit ipinaretoke pa? Halos wala nang dapat ayusin sa kanyang mukha dahil halos perfect na.

Kaya nagkakaisa sila sa pagsasabi na nawala tuloy ang angking ganda ng aktres nang ipagalaw ang mukha.

Solar News tuloy ang pag Dami ng news program

Makakasama na natin ang news anchor na si Mai Rodriguez sa isa pang newscast na eere tuwing alas-dose ng tangahali sa Solar News Channel’s Solar Newsday na maghahatid sa atin ng local at international news.

Inihahandog ng Solar News Channel and programang ito sa viewers para sa makabuluhang daily at weekly newscast na nagpo-focus talaga sa mahahalagang bagay.

vuukle comment

DAMI

HALIMBAWA

KAYA

MAI RODRIGUEZ

OGIE ALCASID

REGINE VELASQUEZ

SOLAR NEWS

SOLAR NEWS CHANNEL

SOLAR NEWSDAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with