^

Pang Movies

Pagho-host ni Derek kulang sa power!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinanood namin ang replay ng The Amazing Race Philippines last Sunday ng TV5. Ipinalabas muli ang simula ng labanan ng 11 teams sa Metro Manila na sinimulan sa Paco Park, Manila hanggang sa biyahe nila sa Vigan, Ilocos Sur.

Pinatunayan ni Jervi Lisaba, na ka-tandem ni Saida Diola, dating EB Babes member, ang pagiging magna cum laude niya sa unang challenge sa Manila Yacht Club. Natagalan pero nahulaan niya ang nautical phrase na, “blue skies and calm waters” base sa flags ng mga bansang naka-display.

’Yun nga lang, natagalan ang dalawang hulaan ang salitang astrodome sa casino kaya naman nahuli sila ng alis mula sa pangatlong challenge. Sa unang pit stop, fourth placer sina Jervi at Saida na hindi na rin masama sa simula ng challenge.

Ang gym buddies na sina Marc Dungo at Kat Tan ang nanguna na sinegundahan ng partnership nina Boom Vergara at Cheng Enriquez. 

Eliminated ang dating couple na sina Crystel Romero at Mykey Lacson. Sa challenge sa Star City naantala ang pakikipaglaban nila. Buti pa ang Alabang housewives na sina Pam Spella at Vanessa Ishitani ay 10th placer kaya nakasama pa sila sa race.

Sa Vigan, mas mahirap ang challenges na sinimulan ng 10 pairs. Lumutang ang pagiging reklamador ni Dani Castano nang tumanggi ang kapareha niyang si Mish Van Ruyven na kumain ng longganisa. Dakdak siya nang dakdak sa kaibigan to the point na irritating na!

Classic naman ’yung last part ng race nang mag-aburido ang kabayong gamit sa panghila ng karitong nagkakarga ng mga bangang ibibiyahe ng dalawang pares na kinabibilangan ng magkapatid na Anton at Armand del Rosario! Bumaligtad ang kariton at nahulog ang mga bangang karga nito!

May hatid na excitement ang local Amazing Race lalo na nga’t kilala ang ilan sa mga kalahok. Suggestion lang namin ay lakasan ng host na si Derek Ramsay ang kanyang boses upang lumabas ang pagiging powerful niya sa show pati na sa pagbabahagi ng info sa mga makasaysayang lugar na inilalahad niya.

Mario binakla ni Vice Ganda

Binakla talaga si Mario Maurer sa guesting niya sa Gandang Gabi Vice last Sunday, huh! Buti na lang, game ang Thai actor sa pagsasabi ng, “Sabeeh!!!” at “Eksaherada!!!”

Cute naman ang dating ng pagsasalita ng gay speak ni Mario pati na ang kalokohang rap niya tungkol sa pagiging kabayo ni Vice. Nagpasampol din ng husay sa rap si Marco, kapatid ni Mario na guwaping din ang dating!

After gawin ang Suddenly It’s Magic, ang alam naming next project ni Mario sa bansa ay ang pagsasamahan nilang movie ni Jacky Woo.

vuukle comment

AMAZING RACE

AMAZING RACE PHILIPPINES

BOOM VERGARA

BUTI

CHENG ENRIQUEZ

CRYSTEL ROMERO

DANI CASTANO

DEREK RAMSAY

GANDANG GABI VICE

MARIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with