Nag-bonding sa Vietnam ang mag-asawang Robin Padilla at Mariel Padilla. Kasama nila sa Vietnam trip ang mga anak ni Robin na sina Queenie at Kylie.
Lumitaw ang pagiging rebolusyonaryo ni Robin sa Vietnam dahil ang mga historical place ang binisita niya. Feel na feel ni Robin ang mga lugar sa Vietnam na pinangyarihan noon ng giyera.
PAROA GINAWAN NG JOKE NA CORNY
Natawa ako sa corny joke na ano raw ang relasyon ni Paroa kay Boots Anson-Roa? Obvious ba na walang relasyon ang dalawa at gawa-gawa lamang ang joke ng mga tao na may fertile imagination?
Paroa ang pangalan ng kaharian ng mga taong paru-paro na pinanggalingan ni Mariposa, ang bida sa bagong teleserye ng GMA 7. Si Barbie Forteza ang Mariposa at si Derrick Monasterio ang kanyang love interest.
Inaabangan ng fans nina Barbie at Derrick ang pagsisimula ngayong gabi ng kanilang teleserye na inihahambing sa Encantadia.
INTRIGA KINA BARBIE AT BEA HINDI UMEPEKTO
Iniintriga ang friendship nina Barbie at Bea Binene. Pinagsasabong ng fans ang dalawa dahil may mga nagtatanong kung bakit pang-umaga ang drama series ni Bea, ang Cielo de Angelina at pang-early primetime ang Paroa.
Hindi nagpapaapekto sina Barbie at Bea sa mga gustong sumira sa friendship nila. Walang dahilan para mag-away o mag-inggitan sila dahil pantay ang pag-aalaga sa kanila ng GMA 7 at GMA Artist Center.
MALE SINGER MAS BABAE PA ANG POSE NA PICTURE KESA SA MGA KASAMANG MGA TUNAY NA BABAE
Vaklush na vaklush ang male singer sa litrato niya na nakita ko. Matagal nang pinagdududahan ang gender ng male singer at walang naniniwala na naging boyfriend siya ng isang aktres na kulang sa pansin.
Na-sight ko ang picture ng male singer na kuha sa isang probinsiya. Naloka ako dahil mas babae pa ang kanyang pose kesa sa mga tunay na girls na kasama niya. Kahit anong justification ang gawin ng male singer, mahihirapan siya na kumbinsihin ako na menthol siya!
BB IN LOVE NA IN LOVE KAY WENDELL
Si Wendell Ramos pala ang love interest ni BB Gandanghari sa Enchanted Garden ng TV5.
Nagkamalisya ako nang mapanood ko sa TV ang kanilang mga eksena. Malagkit ang tingin ni BB kay Wendell as in parang inaakit niya ang aktor na kapareha. Inisip ko na lang na mahusay na aktres si BB kaya convincing ang kanyang acting na in love na in love siya kay Wendell.