^

Pang Movies

Sharon sasabog na naman sa galit sa fans ni Piolo!

Pang-masa

Nasa taray mood na naman si Sharon Cuneta nang muli na naman siyang i-bash ng fans ni Piolo Pascual kahit hindi man lamang niya binabanggit ang name ng aktor. Napagbalingan niya tuloy ang anak na si KC Concepcion na kasalukuyang nagliliwaliw sa Italy after ng kanyang X-Factor Philippines at pinauuwi na niya sa bansa. 

Kahit sa dating husband na si Gabby Concepcion ay nag-tweet siya: “The fans of our baby’s ex are at it again. I feel I cannot keep my silence any longer. You?”

Happy mood pa naman si Sharon dahil katatapos lamang nilang mag-celebrate ng third birthday ni Miguel na ngayon ay kanilang-kanila na ng buong family dahil legally adopted na nila ang bagets.

Magic kina Mario at Erich hindi gumana

How true na hindi naging magic sa takilya ang Suddenly It’s Magic na nagtampok sa Thai superstar na si Mario Maurer at ni Erich Gonzales for Star Cinema? May nag-comment pa ngang mas maganda siguro kung si Sarah Geronimo ang itinambal ang actor-model. 

Baka naman naging abala lamang ang mga tao sa pag-uwi sa kani-kanilang probinsiya noong Undas at pagbalik nila ng Manila ay panoorin din nila ang movie na dinirek ni Rory Quintos.

Heart bumabawi ng lambing
kay Sen. Chiz sa Hong Kong

Kung sa Hong Kong Disneyland pinalipas ng mag-best friend na Zsa Zsa Padilla at Kris Aquino, with their children, ang Undas. Doon din nag-bonding ang family ni Nadine Samonte. Tamang-tama na wala siyang taping ng Enchanted Garden ng TV5 kaya sinamantala nilang magbakasyon.

Nakita rin na sweet na sweet na magkasama sina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista sa Hong Kong. Sinasamantala na siguro ni Heart na libre pa siya ngayon dahil this November ay magsisimula na silang mag-taping ni Geoff Eigenmann ng afternoon prime na Forever sa GMA 7. Ang soap din ang reason ni Heart kaya hindi siya puwedeng sumamang mangampanya sa senador para sa May 2013 elections.

Carlos Agassi sa workout lang naadik

Sa Sunday na ilo-launch nang sabay ni Carlos Agassi sa ASAP 2012 ang kanyang Kapayapaan album at music video mula sa kanyang Amir Records na idi-distribute ng Star Records. May kaba si Carlos dahil six years din pala siyang nagpahinga sa music niya until na-meet niya ang girlfriend niya ngayon na si Margo. 

Hindi alam ni Margo na artista siya, akala nito ay isa rin siyang commercial model tulad nito dahil nagkakilala sila through Kim Jones, model-actress na girlfriend naman ng best friend niyang si Jericho Rosales. Na-download ni Margo ang mga song niya at siya ang nagkumbinsi kay Carlos na gawin itong album. 

Happy naman si Carlos nang makipag-meet siya sa Star Records at tinanggap na i-distribute nila ang album na may seven tracks. Medyo nahirapan din si Carlos na gawin ang music video nito dahil gumamit siya ng may 1,000 talents including special children and street kids who sang in different dialects.

Nilinaw na rin ni Carlos ang naging issue sa bigla niyang pagpayat. Hindi raw siya umiinom, never din siyang nag-smoke, workout lamang siya kaya from 190 lbs, 160 lbs. na lamang siya. Noong time raw na wala siyang ginagawa sa ABS-CBN (last pa niya ang Wako-Wako), hindi rin siya nabakante dahil isa siya sa member ng all-star basketball game at madalas, mga twice a week, meron silang game. Madalas din siyang maimbitang mag-host ng beauty pageants at siya na rin ang nagsi-serenade sa contestants.

 

 

vuukle comment

AMIR RECORDS

CARLOS

CARLOS AGASSI

CHIZ ESCUDERO

HONG KONG

MARGO

NIYA

SIYA

STAR RECORDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with