^

Punto Mo

‘Parol’ (Part 5)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

MALAKING palaisipan sa akin kung bakit noong first year high school ko lang nakita si Lolo Fernando. Sabi ni Nanay ay nasa malayong probinsiya ito at doon nagtatrabaho at naninirahan. Mula raw iyon nang mamatay si Lola.

Pero hindi ako kumbinsido sa sinabi ni Nanay ukol kay Lolo. Naisip ko kasi, bakit hindi nagpakita si Lolo sa buong panahon na ako ay nasa elementarya. Sa totoo lang, hindi ko pa siya nakikita ng personal. Pawang sa retrato lamang ko siya nakikita. Nasabi ko nga noon nang makita ang picture niya, guwapo pala si Lolo. Kamukha niya ang artistang si Mario Montenegro.

Pero kahit anong pilit kong pagtatanong kay Nanay kung bakit matagal na hindi ko nakita si Lolo ay hindi siya nagsalita. Kaya lalong lumaki ang aking hinala na may inililihim si Nanay ukol kay Lolo. At iyon ang gusto kong matuklasan. Hula ko, may malaking isyorya sa likod nang matagal na pagkawala ni Lolo.

Lingid sa akin, na-sense na pala ni Lolo ang aking pagnanais na malaman ang dahilan ng kanyang pagkawala.

Isang araw na hinahanda namin ni Lolo ang mga patpat ng kawayan na gagawin naming parol, tinanong niya ako.

“Carlos apo, narinig ko na may tinatanong ka kay Mommy mo tungkol sa akin. Ano ba yun, apo ko?’’
“Lolo, nagtataka po kasi ako dahil hindi kita nakita sa buong panahon na ako ay nasa elementarya. Nasaan ka po ng mga panahon na iyon?’’

Tinapik-tapik ni Lolo ang aking balikat.

“Ayaw ko sanang malaman mo ito Carlos pero naisip ko, darating din ang panahon na magtatanong ka. Siguro dapat mong malaman ang mga nangyari sa akin.’’

“Bakit po Lolo, anong nangyari sa’yo?’’

Bumuntunghininga si Lolo.

Saka nagkuwento ng mga nangyari. (Itutuloy)

CHRISTMAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with