^

Punto Mo

Ultrasound ng sanggol sa sinapupunan, napansin na kamukha ni Donald Trump!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG buntis mula sa Los Angeles, California ang nag-isip matapos makita sa ultrasound ng kanyang anak ang tila pagkakahawig nito sa president-elect ng U.S. na si Donald Trump.

Ang mag-asawa, na sabik sa kanilang unang anak, ay nagbahagi ng mga ultrasound scan sa kanilang pamilya kung saan agad na napansin ng kanilang biyenan ang kakaibang pagkakahawig ng baby kay Trump—mula sa hugis ng mukha, buhok, hanggang sa ekspresyon.

Agad naging tampok sa social media ang larawan matapos itong i-post ng ama sa Reddit. Umani ito ng libu-libong reaksyon at nakakatuwang komento.

Bagama’t hindi mga tagasuporta ng president-elect ang mag-asawa, tinanggap nila ang usapin nang may positibong pananaw. Natutuwa sila kahit papaano ay nagdulot ito ng kasiyahan at konting katatawanan sa internet.

Sa kabila ng mga biro sa ultrasound photo ng kanilang baby, nananatiling masaya ang mag-asawa na maibahagi ang espesyal na karanasang ito habang naghahanda sa pagdating ng kanilang anak.

 

DONALD TRUMP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with