^

Punto Mo

Batang designer, nagkaroon ng sariling fashion show sa edad na 7!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG elementary school student sa U.S. ang nakapagtala ng world record matapos makapagtanghal ng sarili niyang fashion show.

Si Max Alexander ay isang pitong taong gulang na fashion­ designer mula Denver, Colorado, na nakapagtala ng Guinness World Record sa titulong: “Youngest Person to Design a Runway Show”. Naganap ang fashion show ni Max noong 2023 sa Denver Fashion Week.

Mula pa noong apat na taong gulang, nagpakita na si Max ng hilig sa pananahi at pagdidisenyo, na nagbigay-daan upang mabuo ang kanyang sariling fashion show. Bilang batang designer, nakaabot na rin si Max sa inter­national fashion scene at nakatanggap na rin siya ng mga kliyente na sikat na Hollywood personalities, isa na dito ang aktres na si Sharon Stone.

Sa kasalukuyan, mayroon siyang mahigit three million subscribers sa Instagram.

Ang pitong taong gulang na fashion designer na si Max Alexander.

vuukle comment

FASHION SHOW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with