^

Krema

Krema (150)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGTAKA si Krema nang makita ang higaang papag. Bakit may sapin na ang papag? At bakit nabago ang ayos ng unan at kumot? Nang huli niyang gamitin ang papag ay noong dalhin niya rito si Lex at ginamot ang mga pasa at sugat. Pero sa kanyang pagkakatanda, inalis niya ang sapin na kumot at hindi ganun ang ayos ng kumot at unan.

Pero nag-isip din si Krema baka naman nagkakamali siya. Baka hindi niya naalis ang sapin ng papag dahil naging abala sila ni Lex sa paglaban sa mga sindikato ng droga. Baka naman naiwanan niya na ganun talaga ang ayos ng papag.

Muli niyang inayos ang sapin ng papag. Ipinagpag niya iyon at baka may ali-kabok. Wala naman. Malinis. Ganundin ang unan at kumot. Ipinagpag niya ang mga iyon.

Hanggang may masam­yo siya sa unan. Muli niyang inamoy ang unan. Hmmm. Amoy pabango ni Lex. Bakit amoy pabango? Saka naisip niya na ito rin pala ang ginamit na unan ni Lex noong ginagamot niya ito. Humawa ang pabango sa unan. Muli niyang sinam­yo ang unan. Na-miss na naman niya si Lex. Kailan kaya babalik si Lex?

Nang maiayos ang higaan, nahiga na siya. Safe naman siya rito. Bago siya mapasok dito tiyak na mahihirapan. Hindi basta mapapasok ang lungga.

Mabilis na nakatulog si Krema.

Hanggang sa lumalim ang gabi.

Himbing na himbing si Krema. Maya-maya, may aninong sumulpot sa likod ng haligi. Dahan-dahan ang pagkilos.

Hanggang sa lumapit sa nakahigang si Krema. Hindi gumagawa ng ingay.

Pinagmasdan ang natutulog na si Krema.

(Itutuloy)

LEX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with