Krema (94)

“WALA akong malaking t-shirt, Dang pero ihahanap kita sa cabinet,” sabi ni Lex. “Baka mayroong magkakasya sa’yo roon.’’

“Salamat, Lex. Bukas pa kasi ako bibili sa bayan. Yung dala kong damit sa maleta ay pawang pang­sosyalan.’’

“Ganun ba? Sige at ihahanap kita. Kung walang t-shirt na mahaba, kahit na ano ba?’’

“Oo, kahit na ano basta may maisuot ako. Hindi naman ako puwedeng maghubad dito,” sabing naka­ngiti.

“Sandali lang.’’

Nagmamadaling pumasok sa kuwarto si Lex at binuksan ang cabinet na pinaglalagyan ng mga damit ni Krema.

Hinalungkat iyon. Inisa-isa kung may maluwang na t-shirt si Krema.

Pero wala siyang makita. Pawang daster ang nakita niya.

Pumili siya ng daster na bagu-bago pa at dinala kay Dang na noon ay nakaupo sa banko at naghihintay sa kanya.

Iniabot niya ang damit kay Dang.

Tumayo si Dang.

“Eto ang damit. Malinis ito.’’

“Daster. Kanino ‘yan Lex?’’

“Sa dating asawa ni Tiyo Mon?’’

“Dating asawa?’’

“Oo. Pero wala na siya rito. Umalis na. Iniwan ang mga damit niya.’’

Nagtataka si Dang.

“Hindi pa patay ang babae? Baka patay na iyun?’’

“Hindi!’’

“Nasaan siya kung ganun?’’

“Hindi ko nga alam. Nang mamatay si Tiyo, nawala na siya. Biglang nawala.’’

Nag-iisip si Dang.

“Sige, isusuot ko na ito.’’

Biglang tumalikod si Dang at dahan-dahang inalis ang nakabalot na tuwalya sa katawan.

Napamulagat si Lex. Parang estatwa na nakatingin kay Dang habang inaalis ang tuwalya.

Hanggang mahubad iyon.

(Itutuloy)

Show comments