Krema (49)
“KAYA ko namang mag-isa sa niyugan e bakit inabala ka pa, Lex,” sabi ni Krema habang nagla-lakad sila patungo sa niyugan. “Dati naman akong nag-iisa kapag nagtutungo roon.’’
“Nag-aalala lang siguro si Tiyo Mon kaya ako pinasama. At siguro para makita ko rin ang niyugan na sabi ni Tiyo ay maraming naaaning niyog at ginagawang kopra.’’
“Pero kung tutuusin ay dapat hindi ka na niya pinasama at ikaw na lang ang nagbantay sa kanya. Mahina pa ang katawan niya.’’
“Kaya lang baka kung na-iwan ako ay baka maghamon na naman ng inuman si Tiyo. Baka malasing na naman siya.’’
“Sabagay. Kung minsan nagsasawa na akong magsabi na tigilan na niya ang pag-inom. Kasi nga’y pabalik-balik ang sakit. Siguro’y mahina na ang naturalesa dahil pawang alcohol ang nasa katawan.’’
“Hayaan mo at mamaya pagbalik natin ay pagsasabihan ko. Hindi naman siguro magagalit dahil para rin sa kanya ang sinasabi ko.’’
“Sige nga Lex. Kasi’y kung maaari ay ayaw ko nang magsalita sa kanya at baka sabihin na para akong sirang plaka.’’
“Sige akong bahala. Palagay ko, makikinig iyon kapag sinabi kong ang kanyang liver ang sinisira ng alak. Nagkakaroon ng kanser sa atay ang mahilig sa alak.’’
Napatangu-tango si Krema. Mukhang nasiyahan sa plano ni Lex.
Nagpatuloy sila sa paglalakad. Nauuna si Krema. Napagmasdan ni Lex ang magandang katawan ni Krema na bakat sa hapit na jeans. Maganda ang hubog ng puwit ni Krema. Kitang-kita ang kurbada ng baywang.
“Malayo pa ba?”
“Malapit na! Ayun, yung makapal na niyugan na iyon.’’
Nagpatuloy sila sa pagla-lakad.
Hanggang marating nila ang malawak na niyugan.
“Ang lawak pala nito!’’
“Oo. Limang ektarya ito.’’
“Maraming maaaning niyog ngayon?’’
“Teka at sisilipin ko ang bawat puno.’’
Pinasyalan ni Krema ang mga puno.
“Marami nang tuyong niyog. Puwede nang kawitin.’’
“Marami na namang pe-rang makukuha.’’
“Oo.’’
Maya-maya biglang dumilim ang langit.
Kasunod ay ang pagpatak.
“Dali Lex, baka abutan tayo ng ulan!”
(Itutuloy)
- Latest