^

Krema

Krema (37)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGTAKA si Tiyo Mon nang makitang puro putik ang pantalon ni Lex nang dumating ang mga ito.

“Anong nangyari sa’yo, Lex? Bakit puro putik ang pantalon mo?’’

Si Krema ang sumagot.

“Pinasukan ng dalag ang pantalon, he-he!’’

“Putang-ina! Dalag pumasok sa pantalon? Paano nangyari ‘yun ?’’

Si Lex na ang sumagot.

‘‘Bigla pong pumasok sa pantalon ko Tiyo. Gumapang po pataas. Akala ko nga hito ang pumasok. Ayaw pong bumitaw kahit anong gawin ko. Balak ko nga po sanang hubarin ang pantalon pero mahirap batakin dahil basa. Ang ginawa ko po ay naglulundag ako at saka lamang nalaglag ang adbenturerong dalag.’’

Napahalakhak si Tiyo Mon. Pagkatapos ay inubo. Nagsalita pagkatapos ubuhin.

‘‘Mabuti at hindi pumasok sa kargada mo?’’ Sabing nagtatawa.

“Hindi po. Malapit-lapit na, ha-ha-ha!’’

‘‘Kaya sa susunod huwag kang lulusong sa palaisdaan kapag walang tali ang laylayan ng pantalon mo. Dapat walang dadaanan ang dalag o hito.’’

‘‘Alam ko na ang gagawin Tiyo.’’

“Sige, makaliskisan na ang dalag na sumalbahe sa’yo at maiihaw. Masarap din ang dalag.’’

“Ako po ang kakain sa dalag, Tiyo para makaganti ako.’’

Napahalakhak uli ang kanyang tiyo.

Pagkatapos ay inutusang maligo si Lex.

“Sige maligo ka na. Dun ka sa batalan maligo. Putang-ina ! Amoy dalag ka, ha-ha-ha!’’

Tinungo ni Lex ang batalan para maligo. (Itutuloy)

vuukle comment

KREMA

RONNIE HALOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with