^

Punto Mo

Ang lumang bangka

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

DALAWANG magkapatid ang naglalakad sa gilid ng isang ilog nang mapansin nila ang isang lumang bangka na nakatali sa pampang. Luma na ang kahoy, kupas na ang pintura at may ilang bahagi itong tila malapit nang mabulok.

“Ang pangit naman ng bangkang ito,” sabi ng nakatatandang kapatid. “Hindi ko alam kung bakit hindi pa itinatapon. Wala nang silbi!”

“Tama ka,” sagot ng bunso. “Kung ako ang may-ari niyan, bibili na lang ako ng bago. Nakakahiya namang sumakay sa ganyang kaluma.”

Biglang umihip ang malakas na hangin at gumalaw ang bangka. Maya-maya ay may narinig silang tinig.

Kung wala akong silbi, bakit kayo nakatawid sa ilog noong isang linggo nang bumaha?”

Nagkatinginan ang magkapatid.

“Sino ‘yan?” tanong ng nakatatanda.

“Ako ang bangkang kinukutya ninyo,” sagot ng tinig. “Noong kailangan ninyo ako, hindi ninyo tiningnan kung luma ako. Ang mahalaga, ligtas kayong nakatawid.”

Nanlaki ang mga mata ng magkapatid. Bigla nilang naalala na nang bumaha at tumaas ang tubig sa ilog, ang lumang bangkang iyon ang ginamit nila upang makarating sa kabilang pampang.

“Huwag ninyo akong husgahan dahil lamang sa aking itsura,” sagot ng bangka. “May mga bagay na mukhang wala nang halaga ngunit maaaring naging mahalaga na pala sa buhay ninyo.”

Pagkasabi nito ay muling humina ang hangin. Tahimik na naglakad palayo ang magkapatid.

Kagaya sa tunay na buhay, may mga taong mabilis manghusga sa kapwa dahil lamang sa kanilang pananamit, trabaho, bahay o kakayahang pinansyal. May isang officemate na hindi pinapansin dahil baduy manamit at mukhang “poor” pero mabilis palang utangan ng mga nagigipit na kasamahan. Hindi lahat ng mahalaga ay kumikinang at hindi lahat ng may halaga ay mukhang mamahalin. Minsan, may ang bagay o taong minamaliit natin ngayon ang siya palang unang sasagip sa atin kapag dumating ang panahon ng pangangailangan.

BOAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with