Life Etiquette

  • Kapag may umutang sa iyo at nagbayad sa tamang oras, huwag mo siyang pagdudahan kapag nangailangan siyang muli.
  • Huwag magbigay ng unsolicited advice. Hindi lahat ng tao ay naghahanap ng payo; minsan gusto lang nilang may makinig.
  • Kapag may nagluluksa or heart broken, huwag mong sabihin na “move on na”. Hayaan mong maghilom ang sugat sa sarili nitong panahon.
  • Huwag kang magtanong tungkol sa suweldo, edad, o timbang ng isang tao kung hindi siya komportableng pag-usapan iyon.
  • Kapag may nagluto para sa iyo, magpasalamat ka kahit hindi iyon ang paborito mong pagkain.
  • Huwag mong gawing biro ang kahinaan o insecurities ng ibang tao.
  • Kapag may humihingi ng opinyon, maging tapat ngunit huwag maging malupit sa pagsasalita.
  • Huwag mong gawing kompetisyon ang bawat usapan. Hindi kailangang laging ikaw ang may mas magaling na kuwento.
  • Kapag may nanghiram ng charger o power bank sa iyo, huwag mo agad bawiin kung alam mong kailangan pa niya ito.
  • Kung may taong nagbahagi sa iyo ng isang sikreto, huwag mo itong gawing tsismis.
  • Kapag may nagkamali sa pagbigkas ng isang salita, huwag mo siyang pagtawanan. Hindi lahat ay pare-pareho ng pagkakataong matuto.
  • Huwag mag-post ng larawan ng ibang tao sa social media nang walang pahintulot, lalo na kung hindi siya komportable.
  • Kung may pagkakamali ang waiter, cashier, o service crew, kausapin sila nang maayos. Tao rin silang nagkakamali.

Show comments