‘Kuweba’ (Part 6)

“WALA namang nangyari sa iyo, Mike?” tanong ni Tatay.

“Wala naman po.”

“Wala kang ibang nakita sa loob?”

“’Yung usa na nakabulagta lang ang nakita ko.”

Napatangu-tango si Tatay pero hala­tang may bumagabag sa isip.

“Bakit Tatay?”

“Kasi sabi ng mga matatanda, bawat kuweba sa gubat ay may nagbabantay na mga engkanto. Nagagalit ang mga engkanto kapag mayroong pumasok­ sa kanilang binabantayang kuweba. May nakapagsabi na ang sinumang pumasok sa kuweba ay hindi na nakalalabas.”

“Pero nakalabas ako Tatay. Wala namang­ nangyari sa akin. Wala akong nakitang nagbabantay na engkanto.”

Nag-isip si Tatay.

“Halika na Tatay. Kunin na natin ang usa.”

Bantulot si Tatay. Pero na­pilit ko.

Inihanda niya ang baril. (Itutuloy)

Show comments