Salamin (Part 13)

“MAYROON daw isang pang­yayari na hanggang ngayon ay isang misteryo pa ang tungkol sa pagtama nang matalim na kidlat sa salamin. At hindi man lang ito nabasag o nagkaroon man ng sira. Pero ang nakahahanga, iniligtas ng salamin sina Lolo Fernan at Lola Elisa sa tiyak na kamatayan.

Ayon sa pagkukuwento ni Mama, ilang araw pa lang ang nakalilipas mula nang iregalo ni Lolo ang antique na salamin kay Lola.

Masaya raw na nag­kukuwentuhan sa hagdanan sina Lolo at Lola, malapit sa nakasabit na salamin nang biglang magsalimbayan ang matatalim na kidlat sa kalangitan.

Ipinasya nina Lolo at Lola na pumasok na sa loob ng bahay dahil deli­kadong tamaan sila ng kidlat.

Nang nakatayo na sila, isang matalim na kidlat ang tumama sa kanilang direksiyon. Kitang-kita umano nila ang mata ng kidlat patungo sa kanila.

Pero ganun na lamang­ ang pagtataka nila nang biglang humarang ang salamin at sinalo ang matalim na kidlat.
Napayuko umano sina Lolo at Lola at naka­rinig sila nang pagsabog. Natakpan sila nang makapala na usok.

Nang mahawi ang usok, nakita nilang nakasabit na uli ang salamin sa dingding at ni isang sira o sunog ay walang bakas. Iniligtas sila ng salamin sa tiyak na kama­tayan. (Itutuloy)

Show comments