1. Mas malaki ang tsansa na magkaroon ng dengue ang lasenggo dahil mas type ng lamok na kagatin ang lasing.
2. Kapag gusto mong makaiwas sa pekeng tawag o scam, huwag agad sumagot ng “Oo.” Puwedeng “Bakit” ang isagot mo. May ilang scam na nire-record ang boses at ginagamit sa panloloko.
3. Katahimikan ang pinakamagandang sagot sa mambobola.
4. Palautot ka ba? Mababawasan ang pag-utot kung kakain palagi ng patatas, saging, asparagus, mani.
5. Kung ikaw ay 19 years old pababa, may pag-asa ka pang tumangkad. Narito ang 9 na paraan:
- Tumalon gamit ang skipping rope.
- Uminom ng gatas.
- Leg kicking exercise.
- Kumain ng soybeans at soybean products.
- Vertical stretch. Tumayo nang tuwid. Itaas-ibaba ang kamay sa ibabaw ng ulo.
- Animal protein: kumain ng chicken, beef na mayaman sa protina.
- Cobra Pose: Dumapa, pagkatapos ay itaas-ibaba ang buong katawan.
- Kumain ng itlog.
- Vertical Hang: Sumabit sa steel bar o kahit anong matibay na sanga ng kahoy na puwede mong sabitan upang ma-stretch ang spinal cord at vertebral column.