^

Punto Mo

‘SANDOK’ (Part 14)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

LALONG naging agresibo si Willy nang madama ang iniingatan kong mga “papaya”. Parang “natakawan” siya. At siguro’y dahil nahalata niyang nagpapaubaya ako. Lumakas ang loob niya dahil hindi ako tumututol sa ginagawa niya.

Pagkatapos pagsawaan ang mga “papaya” ay ang aking pagkababae naman ang kanyang pinuntirya.

Dinama ang aking pagkababae. At pagkatapos ay walang takot na hinimas. Huminga ako nang malalim sa kanyang ginagawa. Ano ba itong nangyayari sa akin? Bakit ako nagpapaubaya? Para akong mumurahing babae? Kung kailan ako tumanda ay saka ako naging sunud-sunuran sa lalaking hindi ko naman lubos na kilala.

Ano ang nangyayari sa akin?

Bakit ako sunud-sunuran?

At nang ipapasok na ni Willy ang palad sa loob ng aking panty ay bigla akong natauhan.

“Huwag!”

“Bakit, Marie? Di ba gusto mo ako?” tanong ni Willy na humihingal.

“Ayoko! Umalis ka na!”

Pero desidido na si Willy na ituloy ang nasimulan.

Tumayo ako at nagtungo  sa kitchen. Sumunod si Willy.

“Alam ko gusto mo rin, Marie. Sarap na sarap ka di ba?”

Umatras ako. Pag-atras, nahawakan ko ang malaking sandok.

Paglapit ni Willy, hinampas ko siya sa mukha! Todo hampas!

Itutuloy

SANDOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with