^

Punto Mo

‘Singsing’ (Part 12)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

“’YAN ang dahilan Ram, kaya sinabi ko sa’yo na sa’yo na lamang ang singsing. Ayaw ko nang ingatan pa ang bagay na magpapaalala sa kataksilan. Habang nakikita ko ang singsing, lalong sumasakit ang dibdib ko,” sabi ni Cora makaraang pahirin ng tissue paper ang luha.

“Nauunawaan na kita. Sige tatanggapin ko ang singsing kung yun lamang ang makagagaan sa kalooban mo. Ibigay mo sa akin ang singsing,” sabi ko.

“Salamat Ram”, sabi ni Cora at tumayo para kunin ang singsing na ipinatong sa ibabaw ng cabinet.

Ibinigay sa akin.

“Ikaw na ang bahala sa sing­sing na ‘yan, Ram.”

“Oo ako na ang mag-iisip ng paraan tungkol sa kahihinatnan nito.”

“Salamat uli.”

“So ano na ang plano mo ngayon, Cora.”

“Pagtutuunan ko ang aking ­negosyo sa probinsiya.”

“Hindi ka na mag-aabroad?”

“Hindi na.”

“Sana malimutan mo na ang ginawa ng taksil na lalaki.”

“Oo gagawin ko.”

“Magpapaalam na ako, Cora.”

“Kapag may oras ka, dalawin mo ako rito, Ram.”

Tumango ako.

Itutuloy

SINGSING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with