‘Small things’ na nagpapabagal ng pagtanda
• Matulog bago sumapit ang 11:00 p.m.
• Uminom ng lemon juice araw-araw.
• Maglakad ng 20 minuto araw-araw.
• Iwasang kumain ng processed foods.
• Kumain ng hapunan dalawa o tatlong oras bago matulog.
• Gumamit ng turmeric at luya sa inyong mga lulutuing pagkain. Ang turmeric at luya ay may antioxidant na tumutulong na labanan ang free radicals na sanhi ng pagtanda. Pinipigilan din ng luya at turmeric ang chronic inflammation, na konektado sa mga sakit na may kaugnayan sa pagtanda tulad ng arthritis, Alzheimer’s, at heart disease.
• Magsagawa ng malalim na paghinga (deep breathing) at pagmuni-muni (meditation). Nakakatulong ang mga nabanggit upang mabawasan ang stress at cortisol level. Ang mataas na antas ng cortisol (stress hormone) ay konektado sa mas mabilis na pagtanda ng cells at balat. Ang malalim na paghinga naman ay nagpapakalma sa nervous system, kaya bumababa ang cortisol.
• Dalasan ang pagkain ng prutas at madahong gulay.
• Sepilyuhin din ang dila.
• Iwasan gumamit ng gadget isang oras bago matulog.
• Dalasan ang inom ng tubig. Ang tuyong balat ay mabilis kumulubot.
• Tumawa palagi upang mabawasan ang stress.
• Mag-exercise tulad ng paglalakad, yoga, o strength training ay nagpapalakas ng puso, buto, at nagpapanatili ng malusog na timbang.
• Iwasang magpaaraw sa pagitan ng 10:00 a.m. at 4:00 p.m.dahil pinakamataas ang UV rays sa oras na nabanggit na pangunahing sanhi ng wrinkles, age spots, at skin cancer. Gumamit ng sunscreen (SPF 30+) kahit maulap.
- Latest