Tips para hindi tumaba

May paraan upang mabawasan ang calories ng iyong pagkain per meal:

• Gamitin ang non-fat milk huwag ang whole milk.

• Kung kakain ng kanin, gumamit ng maliit na pinggan, tinidor sa halip na kutsara ang ipangsubo at maliit na baso kung iinom ng softdrinks o de latang juice.

• Sa halip na cakes at pastries for dessert, magpakasawa ka na lang sa saging.

• Huwag nang lagyan ng cheese ang iyong burger. Okey ang onion, pickle, kamatis at letsugas.

• Non-fat mayonnaise ang gamitin sa chicken at tuna salad.

• Gumamit ng water packed tuna sa halip na packed in oil.

• Kung hindi maiwasan ang pizza, bawasan ng 50 percent ang ginagamit na cheese. I-request mo ito sa crew ng pizza parlor.

• Alisin ang sebo na lumulutang sa sabaw ng nilaga o sinigang na karne sa pamamagitan ng pagpapalamig nito sa refrigerator.

• Sa halip na pepperoni, piliin ang grilled chicken para maging toppings ng iyong pizza.

• Sanayin ang sarili o sinumang cook ng pamilya na tanggalin ang lahat ng tabang nakakabit sa karneng lulutuin.

• Kung kakain ng karne, dapat ay kasukat lang ito ng baraha at manipis ang slice.

• Tanggalin ang skin ng chicken bago lutuin ito.

• Bawasan ng kalahating tasa ang nakasanayan mong dami ng kinakain mong pasta o kanin bawat meal.

• Cooking oil ang gamitin sa halip na butter or margarine sa paggigisa.

• Nguyaing mabuti ang kinakain para magtagal sa pagkain para bago mo ma-realize na gusto mo pa ng second serving, bigla mong mararamdaman na busog ka na pala.

• Sa halip na isang tasang ice cream ang kainin, kalahati lang ang ilagay sa tasa.

• Kalahati lang ng isang slice ang kainin mong cake or pie.

• Siguraduhing lagi kang may kasalo kapag kakain ng kahit na anong matamis.

• Kaysa softdrink, magtimpla ka na lang ng fresh juice.

• Skim milk ang ilagay sa hot chocolate sa halip na whole milk.

• Sanaying orderin ang small size drinks kaysa large. Tubig na lang ang ipampuno mo. Parang pagbibigyan mo lang ang iyong sarili.

• Sa halip na bumili ng kung anu-anong drinks, sanayin na lang ang sarili sa tubig.

• Sa halip na regular beer, inumin ang light beer at limitahan ang maiinom sa 1 o 2 lata.

• Sa restaurant, piliin ang salad na may vinaigrette dressing kaysa mayonnaise based dressing.

• Piliin ang grilled chicken kaysa fried or breaded.

Show comments