^

Punto Mo

‘Ahas’ (Part 1)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

SA lahat ng mga gumagapang na nilalang, sa ahas ako takot na takot. Nagsimula ang aking pagkatakot sa ahas noong ako ay siyam na taong gulang at Grade 3 sa isang pampublikong eskuwelahan sa baryo.

Isang tanghali ay niyaya ako ng classmate kong si Cora na dumaan sa kanila dahil kaarawan daw ng kanyang nanay at nagluto ito ng pansit at sinukmani.

“Halika Mary Grace sa bahay. Wala namang maraming imbitado sa birthday ni Nanay. Pagkakain mo ay puwede ka nang umalis.’’

“Hindi ba nakakahiya, Cora? Wala akong regalo sa nanay mo.’’

“Okey lang yun Mary Grace. Halika na!”

Nagtungo na kami sa kanilang bahay. Bago makarating sa bahay nila ay dadaan kami sa madamong bahagi. Pawang damo na hanggang tuhod ang taas. Kung hindi lamang sa pag-iimbita ni Cora ay hindi ako sasama. Ayaw kong maglakad sa damuhan. Natatakot ako.

Awa ng Diyos ay nakarating kami sa bahay nina Cora.

Pinakain ako. Napakasarap ng pansit at sinukmani. Busog na busog ako.

Nang umuwi, doon uli ako nagdaan sa damuhan.

Pagtapak ko sa damo, may natapakan ako. Ahas!

(Itutuloy)

SNAKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with