^

Punto Mo

Mayang (107)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“NATATAKOT ako Jeff,’’ sabi ni Mayang na halata sa boses ang pagkabalisa. “Sana makauwi ka na rito para may kasama na kami ng anak mo.’’

“Oo. Naka-submit na ang mga papers ko. Ang ikatatagal lang ay dapat may makapalit na sa iiwan kong puwesto.’’

“Sana may makapalit ka na, Jeff. Natatakot ako lalo na sa nangyari kagabi na pakiramdam ko talaga ay may tao na gustong pumasok dito sa loob ng bahay natin.’’

Ilang saglit na hindi nakapagsalita si Jeff. Nadarama niya ang nararamdaman ni Mayang.

“Kaunting panahon na lang Mayang. Makakauwi rin ako.’’

“Sana umuwi ka na. Sana next month narito ka na, Jeff.”

“Ipagdasal natin na mangyari, Mayang.’’

“Gusto namin ni Jeffmari na nasa tabi ka namin pagtulog—araw-araw gusto namin ay kasama ka.’’

“Oo Mayang. Yan din ang gusto kong mangyari.’’

Humikbi si Mayang. At hanggang sa umiyak na.

“Huwag ka nang umiyak. Darating ako riyan.’’

Maya-maya may itinanong si Jeff.

“Sa pakiramdam mo ba Mayang, hindi ikaw ang puntirya ng mga lalaking nakita mo sa palengke. Kasi iniisip ko, baka ikaw ang hinahanap nila.’’

“Bakit naman ako ang hahana­pin?’’

“Malay mo balak gumanti.”

“Gumanti? Bakit ako gagantihan?”

“Hindi ikaw ang gagantihan—ako!’’

“Bakit? Ano ang atraso mo?’’

“Di ba ako ang dahilan kaya nakulong si Puri at ang ka-live-in niya? Dahil sa akin kaya sila nakakulong ngayon?’’
Naalala na ni Mayang.

Posible ngang paghihiganti ang pakay ng mga lalaki. Siya ang hinahanap ng mga ito kaya pabalik-balik sa palengke.

“Natatakot ako Jeff.’’

“Huwag kang matakot. Puntahan mo si Lolo Nado! May mga nalalaman si Lolo Nado para maprotektahan ang sarili sa mga masasamang loob.’’

“Oo Jeff. Pupuntahan ko si Lolo Nado.”

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->