^

Punto Mo

Empleyadong nagbago ng isip matapos mag-resign

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Nag-resign po ako pero after ng isang linggo ay nagbago po ang isip ko at sinubukan kong i-retract ang aking resignation. Disapproved ang sagot sa akin ng kompanya kaya hindi na raw ako makakabalik sa trabaho. May laban kaya ako kung ihabla ko ang kompanya? —Gerry

Dear Gerry,

Nasagot na ang katanungan mo sa naging desisyon sa kaso ng Intertrod Maritime, Inc. vs. NLRC (G.R. No. 81087, 19 June 1991). Ayon sa Korte Suprema, ang resignation sa trabaho, matapos itong ipaalam ng empleyado, at matapos itong tanggapin, ay hindi na basta-basta mababawi ng walang pahintulot ng employer.

Ibig sabihin, wala nang karapatan ang empleyado sa posisyong kanyang iniwanan at kung magbago man ang kanyang isip kinalaunan ay kailangan na niya ang pahintulot ng kanyang employer upang mabawi niya ang kanyang resignation.

Walang pinagkaiba ito sa muling pag-a-apply sa trabaho dahil nasa employer na ang desisyon kung gugustuhin ba niyang makabalik ang empleyado niyang nag-resign na.

Dagdag pa ng Korte Suprema, hindi maaring kasuhan ng illegal dismissal ang isang employer na ayaw ng tanggapin ang empleyado niyang nag-resign na ngunit nag-iba ng isip at gustong bumalik. Karapatan kasi ng employer ang pagpili ng mga taong gugustuhin niyang magserbisyo sa kanya bilang empleyado.

Base sa nabanggit, malabong manaig ka sakaling ikaw ay magsampa ng kaso kung malinaw naman na sa sitwasyon mo na ikaw ay nag-resign na at malinaw rin na tinanggap na ito ng dati mong employer.

EMPLOYMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->