• Ang pagpunit ng papel tapos ilalagay ito sa loob ng drink bottles ay senyales ng sexual frustration.
• Lalo kang magiging masaya kung masaya ang mga taong nasa paligid mo.
• Ang pagkakaroon ng plan B ay nagiging dahilan kung bakit hindi maging successful ang plan A.
• Lahat ng iniisip mo ay may katapat na reaction sa cells ng iyong katawan. Ito ang dahilan kung bakit ang mga negatibong iniisip ay nagpapababa ng iyong immune system na nagiging simula ng pagkakaroon ng sakit.
• Pagkatapos malagutan ng hininga ang isang tao, may 7 minuto pa siyang brain activity kung saan magpa-flash back ang lahat ng kanyang mga nakaraan na parang nasa video.
• Kung kaya mong dilaan ang iyong siko dahil mahaba ang iyong dila, ito ay indikasyon na bukas ang isipan mo na subukan ang iba’t ibang bagay tungkol sa sex.
• Sa mga teenager, mas strict ang rules, mas lalo nila itong susuwayin.
• Mga 70 percent ng ating panaginip ay naglalaman ng secret messages. Kaya dito papasok ang dream interpretation.
• Likas na sa isang tao na tumanaw ng utang na loob. Nagbabago lang ang attitude na ito kung paano tayo pinalaki ng ating magulang o anong klaseng environment ang kinalakihan natin.
• Ang pag-iyak ay nakakabawas ng stress at nakakabuti sa kalusugan ng katawan.
• Ayon sa pag-aaral ng Harvard University, ang sobrang kalungkutan ay magiging dahilan upang may mamuong dugo sa utak na maaaring pagmulan ng stroke.