Sa edad na 71, gumawa ng kasaysayan si Jin Hui bilang kauna-unahan sa kanyang edad na nakatapos ng 100-meter sprint sa ilalim ng 14 seconds.
Sa 2024 China Track and Field Masters, pinahanga niya ang lahat matapos dominahin ang limang event kabilang ang 100m, 200m, long jump, at relay races. Sa oras na 13.97 seconds, hindi lamang siya nagtakda ng pambansang record kundi nag-uwi rin ng limang gintong medalya.
Hindi atleta si Jin Hui noong kabataan niya. Natuklasan lamang niya ang track and field noong 2008 matapos magretiro bilang maintenance worker sa isang planta ng bakal.
Matapos hikayatin ng kanyang anak na maglaro ng senior football, natuklasan ang kanyang likas na bilis, na nagdala sa kanya sa sprinting. Ngayon, binabalak niyang makipagkumpetensiya sa pandaigdigang entablado upang bigyang karangalan ang kanyang bansa.