^

Punto Mo

Positive Attitude

DIKLAP - Pang-masa

Isang araw, nanalo sa tournament ang sikat na Argentine golfer na si Robert De Vincenzo. Habang tinatanggap niya ang cash prize, kinunan siya ng litrato. Sandali siyang ininterbyu ng media. Pagkatapos ay umalis at naglakad mag-isa sa parking lot.

Bago sumakay ng kotse, may babaing lumapit sa kanya. Nag-congratulate ang babae at saka sinabi ang pakay.

“Sir manghihingi po ako ng financial help sa iyo dahil ang aking anak ay nasa ospital. Malubha po ang kanyang sakit. Kung hindi maooperahan ay malamang na mamatay ito. Natanggal po ako sa trabaho.”

Naawa si Vincenzo. Binigyan nang malaking halaga ang babae.

“Sana ay makatulong ang perang iyan para madugtungan ang buhay ng iyong anak.”

Kinagabihan, habang kumakain siya sa country club, nilapitan siya ng vice president ng Golf Association.

“Robert, nabalitaan kong may isang babaeng lumapit sa iyo kaninang umaga sa parking lot at binigyan mo raw ng pera.”

“Well…that’s true.”

“Nagsisinungaling ang babae. Kinuwartahan ka lang ng babaing iyon! Wala siyang anak. Walang batang may sakit na malapit nang mamatay.”

“You mean…walang batang nasa bingit ng kamatayan?”

“Wala!”

“That’s good news! Pinakamagandang balita na narinig ko sa linggong ito!”

“More smiling, less worrying. More compassion, less judgment. More blessed, less stressed. More love, less hate.”  --- Roy T. Bennett

ARGENTINE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with