Body language facts:
• Wala nang interes makinig sa iyo ang kausap mo kung ito ay biglang nag-crossed legs at humalukipkip.
• Ang normal na bilang ng pagkisap (blinking) ng mata ay 6 to 8 blinks per minute. Kapag sumobra na dito, siya ay nagsisinungaling at under pressure.
• Kung may gusto ang babae sa lalaki, mabilis siyang mapatawa nito kahit hindi naman masyadong nakakatawa ang sinasabi nito. Samantala, naaakit ang lalaki sa babaeng napapatawa sa kanyang mga jokes.
• Kapag hindi komportable sa sitwasyon ang lalaki, hinihipo niya ang kanyang mukha. Samantalang ang mga babae ay hinihipo ang alinman sa mga sumusunod: kanyang buhok, damit, leeg, braso, o alahas.
• Kapag ang isang babae ay hindi attracted at hindi komportable sa lalaking kausap niya, ipinapatong niya ang kanyang bag sa kanyang hita sa paraang ito ay nakaharang sa kanyang katawan, habang yakap nito ang bag nang mahigpit. Kung gusto niya ang kausap, inilalagay niya sa gilid ng upuan ang kanyang bag para walang sagabal sa kanilang pag-uusap.
• Kontra sa alam ng nakararami, ang pagtitig sa mata ng kausap ay indikasyon ng pagsisinungaling. Kasi ang paniwala ng marami, ang nagsisinungaling daw ay hindi makatingin nang diretso sa kausap kaya tumititig siya para hindi paghinalaan na nagsisinungaling siya.