^

Punto Mo

‘Ligaw’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(Part 4)

Ang nakapagta­taka, parang ako lang yata ang nakararamdam na may nagmamasid sa amin. Ang mga kaibigan kong si Ping, Kit at lalo si Benjo ay hindi iyon nararamdaman.

Naitanong ko tuloy sa sarili: may third eye kaya ako at mabilis akong makaramdam na may nagmamasid na kakaibang nilalang?

Sabagay noon pa mang nasa high school ako ay madalas na may nagpapakita sa akin na mga kakaibang anino na binabalewala ko naman.

Pero ngayon, masyadong malakas ang pakiramdam ko at hindi maaring magkamali na mayroon talagang sumusubaybay sa mga galaw naming magkakaibigan.

Para bang naghihintay lamang ng pagkakataon at may gagawin sa amin o sa akin.

KINABUKASAN, pagkatapos ng aming masarap na almusal ay naglakad-lakad ako sa paligid. Naaliw ako sa mga huni ng ibon at kuliglig at hindi ko namalayan, malayo na pala ako sa bahay! Kawa­yanan ang narating ko!

(Itutuloy)

PING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with