Binilang ni Jeff ang mga araw na natitira bago siya bumalik sa New Zealand—15 araw na lamang! Kailangang sa loob ng 15 araw ay makita na niya si Mayang. Sana bago siya makaalis ay maisaayos na nila ang lahat. Gusto niya, aalis siya na okey na sila ni Mayang at wala nang problema.
Kung hindi sana siya pinerwisyo ni Puri at ni Henry, sana marami siyang araw na naiukol sa paghahanap kay Mayang. Kung hindi siya pinagtangkaang pagnakawan at patayin, maaaring nagawa niya ang lahat para makita si Mayang.
Napabuntunghininga si Jeff. Sabagay, mabuti na lang at nakaligtas siya sa kamatayan. Dapat siyang magpasalamat sa Diyos at hindi siya nabiktima ng killert na si Henry. Kung nagkataon, hindi na sila magkikita ni Mayang. Baka patay na siya at natangay ang malaking pera na para sa kinabukasan nila ni Mayang.
MAKALIPAS ang tatlong araw, tumawag si Mam Araceli kay Jeff.
“Hello Jeff, pumunta ka ngayon din dito sa bahay at may mahalaga akong sasabihin.’’
“Opo Mam. Pupunta na po!’’
Excited si Jeff.
(Itutuloy)