Iba’t ibang psychological facts (Part 4)
Tungkol sa inuugali ng mga tao:
• Para maging habit ang isang gawain, dapat niya itong gawin araw-araw sa loob ng 66 na araw.
• Ang taong may nararanasang deep sense of guilt, magaling siyang makiramdam sa nararamdaman at iniisip ng isang tao.
• May healthy mind ang isang taong ginagawang defense mechanism ang pagiging sarcastic o ginagamit ang sarcasm para makalusot sa tanong na nahihirapan siyang sagutin.
• Nagiging honest ang isang tao kapag emotionally drained na siya. Halimbawa, totoo ang sinasabi ng taong galit at pagod na pagod na.
• Likas na sa isang tao na manisi ng ibang tao kapag nakakaranas ng kabiguan.
• Sumisigaw tayo kapag masaya o malungkot dahil hindi alam ng hypothalamus sa ating utak ang pagkakaiba ng lungkot at saya.
• “IKEA” effect ang tawag sa feeling na mas iniingatan natin ang isang gamit kung tayo mismo ang nag-assemble o bumuo nito. (Itutuloy)
- Latest