‘Ligaw’
(PART 3)
NAHALATA pala ni Benjo na parang hindi ako komportable.
“O Anjo, parang hindi ka nag-eenjoy? Makiagaw ka sa mga hinog na mangga— hinog sa puno yan kaya masarap!’’
“Oo, Benjo! May iniisip lang kasi ako,’’ sabi kong palusot. Hindi ko sinabi ang aking nararamdaman na tila may mga “matang” nakatingin sa amin.
“Mamaya sa taniman ng pinya naman tayo—makakatikim kayo ng sariwa, juicy at napakatamis na pinya. Tig-iisang pinya ang lalantakan ninyo roon.’’
“Gusto ko ang pinya, Benjo!”
“Mapapalaban ka Anjo!’’
Tama ang sinabi ni Benjo sapagkat napakaraming hinog na pinya ang nakita namin sa plantation. Hinayaan kami ni Benjo na pumitas ng hinog na pinya at doon na naming binalatan at kinain. Supertamis at juicy!
Pero habang kumakain kami ng pinya, naramdaman ko na naman na may mga “matang” nagmamasid sa aming mga kilos.
(Itutuloy)
- Latest