Mag-asawa sa U.S., tinaguriang pinakamatandang bagong kasal sa buong mundo!
SINA Bernie Littman, 100, at Marjorie Fiterman, 102, mula sa Philadelphia, ay kinasal noong May 19 sa senior living facility na kanilang tinitirhan. Ang kanilang pinagsamang edad ang nagkamit ng Guinness World Record bilang “World’s Oldest Newlyweds”
Nagkakilala ang dalawa sa isang costume party at natuklasan nilang pareho silang nag-aral sa University of Philadelphia, bagamat hindi nagkasalamuha noong sila’y mga estudyante pa.
Ayon sa apo ni Littman, natagpuan ng dalawa ang pag-ibig sa kabila ng kanilang edad at naging malaking suporta sa isa’t isa, lalo na noong COVID-19 pandemic. Sinabi ni Littman na ang sikreto ng kanyang mahabang buhay ay pagbabasa, habang si Fiterman naman ay naniniwalang ang buttermilk ang dahilan ng kanyang longevity.
- Latest